Balita

Maraming pera ang sangkot sa droga

- Ric Valmonte

ANG kwento hinggil sa isang bilyong pisong umano ay shabu na iprinisint­a ng Philippine Drug Enforcemen­t Agency (PDEA) sa publiko nitong nakaraang Biyernes. Ayon sa PDEA, ang “shabu” ay nakatago sa shipment ng aluminum pallets at tapioca starch mula sa Cambodia na inabandona noong Marso sa compound ng Bureau of Customs (BoC) sa Maynila. Dalawang buwang minanmanan ng mga ahente ng PDEA at BoC ang kargamento at hinintay angkinin ng mga miyembro ng

Chinese Dragon Wu syndicate, na nakabase sa bansa na pinaghihin­alaang nagpupusli­t ng mga ilegal na droga sa bansa. Ang Chinese Dragon Wu ay may kaugnayan sa bantog na Golden Triangle syndicate.

Ayon kay PDEA Director General Aaron Aquino, naglagay ang mga ahente ng patibong sa pamamagita­n ng pagsusubas­ta sa iniwang mga container na puno ng tapioca starch at aluminum pallets na naglalaman ng 146 kilograms ng shabu na nakasilid sa 114 bags. Pero ang nanalong bidder sa subastang ginawa noong April 22 ay ang Goldwin Commercial Warehouse at wala itong kamalay-malay na ang isinubasta ay ang naipuslit na droga, ayon kay Aquino sa press conference. “Malinis” at hindi sangkot, aniya, ang kompanya sa smuggling. Kinolekta ng PDEA ang shabu sa warehouse ng Goldwin sa Malabon City nitong Huwebes at iprinisint­a sa mga mamamahaya­g nang sumunod na araw. Ang talagang consignee

ng kargamento, aniya, ay Goroyam Trading na nakabase sa Cavite, pero ang mga tao sa likod nito ay hindi pa nakikilala.

Kung totoo o hindi ang istoryang ito, si Aquino lamang at ang sinasabi niyang kanyang mga ahente at ng BoC ang nakaaalam. Mga ganitong klase ng kuwento ang inilako nila sa taumbayan hinggil sa mga nakalusot na mga kargamento ng shabu sa BoC. Halos ganito ang kuwento tungkol sa 6.4 bilyong piso shabu na naipuslit sa BoC at natunton sa isang warehouse sa Valenzuela. Ganito rin ang ginawang kasaysayan ng 11 bilyong pisong halaga ng shabu na nailabas sa pantalan sa pamamagita­n ng apat na improvised magnetic lifter na napagalama­ng nasa warehouse sa GMA, Cavite. Bagamat wala nang mga laman ang mga ito nang abutan ng mga operatiba, tiniyak ni Aquino na pinaglagya­n ang mga ito ng shabu kahit sinabi ng Pangulo na haka-haka lamang niya ito. Kasi dalawang magnetic

lifter ang inabandona sa Manila Internatio­nal Container Terminal na naglalaman ng shabu bago natunton ang mga kawangis nito sa Cavite. Iyong binantayan nina Aquino at BoC agent na shabu na nasa mga container ng tapioca starch at aluminum pallets nang isubasta ang mga ito, hindi kaya ipinain ang mga ito para maipuslit ang higit na marami pa rito?

Sa ikalawang pahayag ni Peter Joemel Advincula sa PNP Headquarte­rs, sinabing niyang dahil nais ng oposisyon na mapatalsik si Pangulong Digong, nagawa nila ang “Ang Tunay na Narcolist” na nagdadawit sa mga kamag-anak at kaalyado nito sa negosyo ng droga. Hindi niya maisangkot ang oposisyon sa droga dahil, hindi gaya ng mga kumandidat­ong kalaban nila, gahol na gahol sila sa salapi para gastusan ang kanilang kandidatur­a. Mahirap paniwalaan na sangkot ka sa droga gayong naghihikah­os ka naman.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines