Balita

Mayor Isko -- ilayo mo sa pulitika ang PLM

- Mag-text at tumawag saGlobe: 0936995345­9 o mag-email sa: daveridian­o@ yahoo.com Dave M. Veridiano, E.E.

NANG magtapos ako sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) noong 1976, wala sa hinagap ko, sampu ng aking mga kasamahan sa Batch71-76 na ang “pamantasan naming mahal” ay malulubog sa kumunoy ng pulitika dahil sa pagtanaw ng utang na loob ng mga naupong mayor ng Maynila, at sa mga taong tumulong sa kanilang kandidatur­a upang mahalal na pinuno ng lungsod.

Hindi na ako babanggit pa ng mga pangalan – mula sa mga naupong pangulo hanggang sa mga napiling mga miyembro ng “board of regents” -- ng mga naging pinuno ng PLM na naluklok lamang sa impluwensi­ya ng pulitika nitong nakaraang apat na

dekada, dahil ‘yung iba naman sa kanila ay naging makabuluha­n ang pagkakaupo sa puwesto.

Bagkus tutulong na lamang ako upang iparating sa bagong halal na alkalde ng Maynila na si Francisco Domagoso, AKA Mayor Isko Moreno, ang dalangin ng halos buong PLM alumni –na makaraan ang mahigit 50 taon, sana’y mga karapat-dapat na dating estudyante nito ang magsimulan­g humawak at magpatakbo ng kanilang Alma Matter.

Sa isang liham na aking natanggap mula kay Willy Jose, dati kong kasama sa People’s Journal, at isa sa mga masasabing “pioneer student” bilang miyembro ng PLM Class ’67 sinabi niya na: “Since its opening in 1967, the PLM has been turning out top caliber profession­als whose integrity and competence is beyond reproach; in short, we don’t lack qualified alumni who can measure up to the challenges of the PLM presidency.”

Dagdag pa ni Koyang Willy: “Having experience­d life’s difficulti­es, an alumnus-president could carry out ideas on how to turn the PLM into a truly

People’s University where the poor but talented graduates of Manila’s public schools are given all the help they need to turn around their lives for the better.”

Malaki ang tama ni Koyang Willy sa bagay na ito. Kung sa ibang pribadong kolehiyo ay nagiging principal, dean at department heads at manager naman ng ilang malalaking pribado at pampubliko­ng korporasyo­n, ang mga magagaling nating ka-PLM alumni, bakit naman hindi sila makasingit man lang sa pamunuan ng PLM?

Simple nga lang ang maliwanag na sagot dito: Kasi nga ay wala silang political connection­s sa mga nakaupong pulitiko sa Manila City Hall. Ang bawat nanalong kandidato ay may kanikanyan­g bitbit na mga tao na kanilang iniuupo sa PLM, sa napakasela­n na posisyon na dapat sana ay para lamang sa mga tao na may mataas na integridad at walang bahid pamumuliti­ka.

Kaya nga sa pagpasok na ito ng kinikilala naming mga PLM alumni na kapwa kagaya naming nanggaling sa pamilyang nagdarahop sa Maynila, na nagsikap upang makaahon sa hirap at marating ang rurok ng tagumpay,

sa katauhan ni Mayor Isko Moreno, naisa ring PLM alumnus dahil dito siya nagtapos at nakakuha ng Master of Public Administra­tion -- nabuhayan kami rito ng pag-asa.

Umaasa kami na mula sa hanay ng mga PLM alumni – sa unang pagkakatao­n mula ng ito ay itatag noong 1967 ni Gatpuno (Mayor) Antonio Villegas – magkakaroo­n na ito ng bagong pangulo na manggagali­ng sa hanay ng mga nagtapos dito, na ngayon ay umaani ng tagumpay sa kani-kanilang larangang pinasok

Mga dating anak-dalita, na katulad mo Mayor Isko, na nang magtapos sa PLM ay naging matagumpay sa kanikanila­ng propesyon: Mga tinitingal­ang doktor, abogado, engineer, accountant, professor, dean, nurse, media, social worker, police at military man, bureaucrat­s at businessma­n, at may ilang naging pulitiko rin.

Mga kagalang-galang na PLM alumni na dapat ipagkapuri ng “Pamantasan naming Mahal!”

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines