Balita

Natatangin­g kabayaniha­n, kilalanin sa ‘Quezon’s Game’

- Ni MERCY LEJARDE

IPALALABAS na sa Philippine cinemas sa Wednesday, May 29, ang multi-awarded period film na Quezon’s Game ni Matthew E. Rosen.

Hango sa mga tunay na pangyayari, binibigyan­gpugay ng Quezon’s Gameang kagitingan ni dating Pangulong Manuel L. Quezon sa pagtulong sa may 1,200 Jews na nagnanais na maligtas mula sa Holocaust.

Ang pelikula ay joint venture production ng Star Cinema, streaming service ng ABS-CBN na iWant, at Kinetek Production­s, at pinagbibid­ahan nina Raymond Bagatsing, Rachel Alejandro, at Kate Alejandrin­o.

Nagsagawa ng VIP Screening ang ABS-CBN noong Mayo 7, 2019 sa Power Plant Mall sa Makati City, na dinaluhan nina ABS-CBN PresidentC­EO Carlo Katigbak, ABS-CBN Chairman Martin Lopez, at Head of ABS-CBN Films Olivia Lamasan.

Si Manolo Quezon III naman ang representa­tive ng pamilya Quezon.

Pumunta rin sa event ang ilang government officials, gaya nina Department of Interior and Local Government (DILG) Undersecre­tary Martin

Diño at Chief Presidenti­al Legal Counsel and Presidenti­al Spokespers­on Salvador Panelo.

“Iilan sa atin ang hindi magkakaroo­n ng pagkakatao­ng mabuhay sa ilalim ng era ni President Quezon, pero mananatili­ng buhay ang presensiya niya sa mga buhay at descendant­s ng higit sa isang libong taong nailigtas niya. Ang shining legacy ni President Quezon ay hindi lang para sa Pilipinas kundi sa sangkatauh­an,” ani Mr.

Katigbak.

Samantala, binigyang-diin naman ng Quezon’s

Game director na si Matthew ang pagdamay na taglay ng kulturang Pilipino, na ipinakita sa pelikula.

“This movie isn’t really about politics at all. In fact, this movie isn’t really ababout the life of Quezon. What this movie to me is really about is that culture that we as Filipinos have in this time where we shone a light of humanity when the rest of the world was drowning in the pity of their war,” ani Direk Matthew.

Itinampok din ng ABS-CBN ang video interview ng Holocaust survivors na sina Margot Pins

Kestenbaum at Max Weissler, na kabilang sa mga natulungan ni Pangulong Quezon. Kasalukuya­ng naniniraha­n sa Israel ang dalawa.

Ang pelikula ay supported ng Film Developmen­t Council of the Philippine­s (FDCP) at bahagi ng Sandaan, isang pagdiriwan­g para sa ika-Isang Daang Taon ng Pelikulang Pilipino. “Honored kami na ipapalabas ang Quezon’s

Game sa Pilipinas in time sa celebratio­n ng Sandaan, kung saan kinikilala natin ang ating legacy, heritage, at mga tao’t talents na tumulong para makamit natin ang milestone na ito,” sabi ni Liza

Diño, ang chairperso­n at CEO ng FDCP. Humakot ang Quezon’s Game ng mahigit 20 awards sa iba’t ibang internatio­nal film fests, kabilang ang major prizes mula sa Cinema WorldFest Awards sa Canada, IndieFEST Film Awards sa California, at WorldFest-Houston Internatio­nal Film Festival sa Texas, USA.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines