Balita

Bb. Pilipinas candidates, sige sa pagparada

- Ni ROBERT R. REQUINTINA

HINDI nabasa ang spirit ng pageant fans na sadyang sinuong ang maulang panahon para lamang masaksihan at suportahan ang 40 opisyal ng kandidata ng Bb. Pilipinas 2019 pageant sa ginanap na taunang grand parade na idinaos sa Araneta Center sa Quezon City nitong Sabado ng hapon.

Lulan ng mga roadster, na courtesy ng Miata Club members, umikot ang mga Binibini sa Araneta Center suot ang kanilang floral summer outfits na inspired sa bulaklak na gumamela, na idinisenyo ni Domz Ramos. Ang kanilang shoes ay mula naman kay Jojo Bragais.

Umulan ng isang oras bago sinimulan ng mga kandidata ang kanilang parade malapit sa Novotel Manila Araneta Center bandang 4:00 ng hapon.

Nang tumila ang ulan, nagdesisyo­n ang mga organizer na simulan ang parade 30 minuto nang mas maaga kaysa orihinal na schedule.

“We decided to start early because it might rain again,” anang mga organizer. Napag-alaman din na hindi nasunod ang orihinal na ruta ng parada.

Gayunman, masaya naman silang sinalubong ng nagtiliang mga fans habang iwinawagay­way ang mga larawan ng kanilang paboritong bet, sa palibot ng Araneta Center.

Naging emosyonal naman ang Filipino-French na si Julia Saubier

ng Daraga, Albay sa parada.

“When I saw the fans, it made me so emotional. Just to see the support, you feel the love and energy from everyone, it made me so emotional. I couldn’t contain my tears,” lahad ni Julia, na dumalo sa parada sa unang pagkakatao­n.

Sabi naman ni two-time candidate Samantha Bernardo ng Palawan, labis daw niyang naramdaman ang suporta ng pageant fans. “I can really feel they want me to win. I was teary-eyed.”

Pahayag ni Ilene de Vera, ng Mandaue City, Cebu, na isa ring first-timer sa parada, pinasayaw raw

siya ng energetic na fans.

“When we came out (of the basement), I am so happy to see the people cheering for us. I was so happy to see everyone,” sabi niya.

Kasama rin nila si Stella Marquez-Araneta, chair, Bb. Pilipinas Charities, Inc., at ang reigning Bb. Pilipinas queens.

Inaabangan naman ng pageant fans ang kanilang mga pambato sa last leg ng pre-pageant activities: fashion show at national costume show sa New Frontier Theater sa QC (May 29), sponsor visit sa Pizza Hut Ali Mall (June 3), at grand coronation night sa makasaysay­ang Smart Araneta Coliseum (June 9).

 ?? EDMUND ONG CHUA ?? BB. PILIPINAS 2019 GRAND PARADE
OF BEAUTIES – Kumakaway sa publiko si Binibini Jessarie Dumaguing ng Puerto Princesa, na lulan ng Miata Club roadster, sa kalagitnaa­n ng Binibining Pilipinas grand parade of beauties na ginanap sa Araneta Center in Quezon City nitong Sabado.
EDMUND ONG CHUA BB. PILIPINAS 2019 GRAND PARADE OF BEAUTIES – Kumakaway sa publiko si Binibini Jessarie Dumaguing ng Puerto Princesa, na lulan ng Miata Club roadster, sa kalagitnaa­n ng Binibining Pilipinas grand parade of beauties na ginanap sa Araneta Center in Quezon City nitong Sabado.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines