Balita

Sophie Reyes, babawi sa maraming rejections

- Reggee Bonoan

HINDI kataka-taka na gustuhing pasukin ni Sophie Reyes ang showbiz, dahil tatlong mahahalaga­ng babae sa buhay niya ang nakilala sa larangang ito: ang mommy niyang si Rina Reyes, ang lola niyang si Baby O Brien, at ang great grandma niyang si Paraluman.

Kabilang si Sophie sa Star Magic Circle 2019, pero ayon sa kanya, tinapos muna niya ang Multi Media Arts course (full scholar) sa College of St. Benilde bago siya pinayagang mag-showbiz.

“I told her to finish first her studies before entering showbiz,” sabi ni Rina sa presscon.

Oo nga, karamihan kasi sa mga batang artista, kapag nakatikim na ng sariling kita ay kinatatama­ran nang bumalik sa pag-aaral hanggang sa tumanda na sila at ang ikakatwira­n ay “nagtrabaho kasi ako kaagad kaya hindi ako nakatapos.”

Pagkatapos ng presscon ay nakatsikah­an namin si Sophie at nagbiro siya, “Actually iniluwal pa lang ako ng mom ko, gusto ko nang mag-artista, ha, ha, ha!”

Bakit gustung-gusto niyang mag-artista? “Kasi po nakikita ko ‘yung ginagawa nina Mom (Rina) at lagi nila akong bitbit sa taping. Tapos lagi ko po silang ginagaya, na hindi katulad ng ibang bata na naglalaro sila, ako po ginagaya sila,” sagot ni Sophie.

Natatandaa­n din ni Sophie ang teleserye ng kanyang ina na pinanood niya, ang Recuerdo de Amor noong 2003, at sinabi niyang gusting-gusto niya sa nasabing serye si

Isabel Rivas, kasi gusto niya ang pagkakontr­abida nito. Natatawa pang kuwento ni Sophie, inakala niya noon nakapagnam­ataysapeli­kulaayaktu­waltalagan­gnamatay. “Kaya nagugulat po ako ‘pag umuuwi siya (Rina), ahhh (buhay pala),” kuwento ni Sophie.

Naging Seiko star si Rina at nagpasexy din siya noon. Inamin din ni Sophie na napanood din niya ang pagpapa-sexy ng ina. “Minsan nagpe-play siya (lumang pelikula ni Rina) sa PBO, tapos kinukunan ko, sine-share ko. Sabi ko, ‘ma grabe ang landi mo pala!’.”

Naloka si Rina nang marinig ang termino ng anak. “It’s just a film, it’s just a role!” katwiran sa anak.

Bukod sa payo ng inang magtapos ng pag-aaral, tinanong namin si Sophie kung bakit late na bago siya nag-showbiz?

“Kasi po marami akong rejections na pinagdaana­n. Nagpunta na rin ako dito sa Star Magic nu’ng 13 years old ako, nasabihan po ako na hindi pa ako ready, kaya instead na ma-down po ako, ginamit ko na lang to improve may craft and physically po.

“And I tried to take care of myself na rin. Sobra kasing dami ng rejections po,”pagtatapat ng panganay ni Rina.

Hindi kaya mas nakaka-pressure ngayon ang

pagpasok ni Sophie sa showbiz dahil galing siya sa angkan ng mga sikat na artista, at siya ay ikaapat na henerasyon na.

“Honestly, siyempre po may pressure, pero ginagamit ko na lang na bilang motivation, kasi sina Mama naman very supportive,” sabi ni Sophie.

Inabutan ni Sophie ang great grandma niyang si Paraluman, na namatay noong 2009, dahil tumira naman daw sila sa kanyang lola. Twelve years old na siya noon kaya natatandaa­n niya ang lahat.

“Tumira po kami sa kanya sa SanLo (San Lorenzo Village, Makati City). Ang routine ko po pagkagalin­g sa school, manonood kami ng teleserye, tapos kakain kami ng ice candy, tapos ima-massage ko ‘yung feet niya,” kuwento ng dalaga.

“Maganda pa rin po siya kahit matanda na siya, at nagulat ako kasi wala siyang wrinkles at ang sekreto ay Ponds cold cream. At ginagaya ko ngayon, as in ‘yun lang po talaga, walang extra ano (inilalagay).”

At proud si Sophie dahil sa pinasikat na awitin ng

Eraserhead­s na Ang Huling El Bimbo ay nabanggit sa lyrics ang pangalan ng lola niya.

“Nu’ng first time ko po marinig, parang hindi ko maimagine na relative ko siya (Paraluman), na kilala siya ng marami,” nakangitin­g sabi pa.

Ano naman ang memories niya sa lola niyang si Baby O Brien? “I think po ‘yung make-up skills ko, natutuhan ko sa kanya, kasi lagi niya akong pinaglalar­uan, ginagawa niya akong doll.”

Maagang naulila sa ama sina Sophie, sa edad na siyam.

“Hindi ko po masyadong naiintindi­han kung anong nangyayari nu’ng time na ‘yun. Tapos ‘yung time na ‘yun, ang question ko po sa Mom ko, bakit hindi dininig ni God ang prayers natin? Kasi po nag-downhill din kami.

“Pero eventually na-strengthen ‘yung faith namin. After losing my dad, blessing na rin kasi marami po kaming natutuhan at naging mas close kami as a family.”

Ang dami palang puwedeng paghugutan ni Sophie sa pag-arte. Nauna na ang dami ng naranasan niyang rejections, at ang pinagdaana­n nilang hirap nang mamatay ang tatay niya, kaya naman sa murang edad ni Sophie ay tinulungan niya si Rina sa negosyo nito.

Ipinagmama­laki naman ni Rina ang anak: “Masipag ‘yan, maraming alam gawin sa buhay.”

Kahit pinasok na ni Sophie ang showbiz ay may on the side siyang business, ang events management.

 ??  ?? Sophie
Sophie

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines