Balita

Sabong stars sa WSC ngayon

-

LIBO-LIBONG sabong aficionado ang tiyak na pipila sa makasaysay­ang Smart Araneta Coliseum sa pagbubukas ng 2019 World Slasher Cup 2 Invitation­al 9 -Cock Derby ngayon.

May 100 local at internatio­nal sabong stars ang aakyat sa ruweda para sa 2 -cock eliminatio­n round ngayon at panibagong 100 bukas.

Itinataguy­od ang tinagurian­g ‘Olympic of Sabong’ ng Pitgames Media Inc.,Thunderbir­d, Emperador, TV5’s “All New Tukaan”, ABS-CBN Action + Sports, “Sagupaan,” “Sabong Nation”, “Sabong Pilipinas”, “Bakbakan Na TV”, at The Sabong Chronicles.

Isusunod ang 3 -cock semifinals sa May 29 at 30.

Sa mga iiskor ng 2, 2.5, 3 at 3.5 puntos, sa Mayo 31 ang 4 -cock finals habang ang mga magtatala ng 4, 4.5 at 5 points ay sa June 2 (4 -cock grand finals).

Ang WSC 2 na may mahirap na format ay susubok kahit sa mga beterano, ani Pitgames Media Inc. CEO Manny Berbano, na sasali rin kasama si Doc Ayong Lorenzo.

Liyamado ang mga WSC champs gaya nina sabong idol Patrick Antonio, Frank Berin, vice mayor Jubee Navarro, Rey Briones, Nene Araneta, Peping Ricafort, Joey Sy, Noel Jarin, Dicky Lim, Biboy Enriquez, Ito Ynares, Anthony Lim, Vergil Intino, Lawrence Wacnang, Art de Castro, Magno Lim, Ed Apari, Honey Yu, Joey delos Santos at Rikki Reyes.

Manunurpre­sa ang mga sumisikat na sultador:Rey Canedo, Cris Sioson, James Uy, Mel Lim, Roel Gatchalian, Marc Cruz, Kenneth Liao, Gerry Escalona, Marvin Perez, Rey Morla, Jojo Gatlabayan, Jess Moradas, Atty. Arcal Astorga, Wilvin Sy, Alwynn Sy, Ramil Capistrano, Julio Vinluan, Rene Adao, Boody Buenaventu­ra, Ed Ochoa, Rep. Gerry Espina at lady cockers Robie Yu at Osang dela Cruz.

Para sa ibang detalye, makipagugn­ayan sa 588-4000 local 8227, o 911-2928.

 ??  ?? PATUKA! Isinagawa ang tradisyuna­l na ‘patuka’ nina Tony Antonio at Nino Yee sa pormal na paglulunsa­d ng World Slasher Cup 2: A Battle of Championsh­ips nitong Sabado sa Versailles tent ng Novotel Manila sa Araneta Center, Cubao, Quezon City. Kabilang sina (mula sa kaliwa) Binibining Pilipinas Supranatio­nal 2018 Jehza Huelar, Binibining Pilipinas Globe 2018 Michele Gumabao, Rebe Adao, Raymond Velayo, Binibining Pilipinas Grand Internatio­nal 2018 Eva Patalinjug at Miss Internatio­nal 2018 First Runner-up Ahtisa Manalo sa mga nakiisa sa programa. Nakatakda ang tinagurian­g ‘Olympic of Sabong’ sa Mayo 27 hanggang Hunyo 2.
PATUKA! Isinagawa ang tradisyuna­l na ‘patuka’ nina Tony Antonio at Nino Yee sa pormal na paglulunsa­d ng World Slasher Cup 2: A Battle of Championsh­ips nitong Sabado sa Versailles tent ng Novotel Manila sa Araneta Center, Cubao, Quezon City. Kabilang sina (mula sa kaliwa) Binibining Pilipinas Supranatio­nal 2018 Jehza Huelar, Binibining Pilipinas Globe 2018 Michele Gumabao, Rebe Adao, Raymond Velayo, Binibining Pilipinas Grand Internatio­nal 2018 Eva Patalinjug at Miss Internatio­nal 2018 First Runner-up Ahtisa Manalo sa mga nakiisa sa programa. Nakatakda ang tinagurian­g ‘Olympic of Sabong’ sa Mayo 27 hanggang Hunyo 2.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines