Balita

Air Force batters, angat sa Tigers

- Marivic Awitan

KASUNOD ng kanilang naging panalo kontra Philippine Air Force sa opening day, kinailanga­n ng Thunderz All-Stars ng isang clutch performanc­e mula kay Justin Zialcita upang maiposte ang come-from-behind win kontra UST Golden Sox, 7-6,nitong Sabado sa pagpapatul­oy ng 2019 Philippine Baseball League Open Conference sa Rizal Memorial Baseball Stadium.

“Coming from a win against Air Force, medyo nag-relax yung team,” wika ng shortstop na si Alds Bernardo. “Good thing na as the game went on, dun lumabas yung pagiging beterano namin. Tulongtulo­ng talaga.”

Naiiwan pa ang All-Stars, 4-5 patungo sa sixth inning.

At dito na sumunod ang 3-run double ni Zialcita upang maagaw ng Thunderz ang kalamangan sampu ng panalo.

“He was in a slump. Pero like our team, diesel siya e,” ayon pa kay Bernardo patungkol sa second baseman na si Zialcita. “We knew that it would come at we continued giving him the confidence na mahahanap din niya yung palo niya.”

Tinapos ni Bernardo na bumato sa huling dalawabg innings na may 6 na strikeouts para selyuhan abg ikalawang dikit nilang panalo at manguna sa Group B taglay ang markang 2-0 sa torneong sanctioned ng Philippine Amateur Baseball Associatio­n at suportado ng Philippine Sports Commission.

Sumalo sa kanila sa pamumuno sa grupo ang RTU-Alums Thunder na namayani naman kontra University of the Philippine­s Fighting Maroons,5-2 sa naunang laro.

Sa huling laban, nakabawi ang National University sa una nilang kabiguan matapos gapiin ang younger generation ng RTU batters na RTU Thunder, 9-5.

Ang kabiguan ang ikalawang sunod naman para sa RTU na nagbaba sa kanila sa buntot ng standings ng Group A.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines