Balita

ESports MLBB sa Araneta Coliseum

-

SA lumalaking bilang ng mahihilig sa eSports, masasaksih­an ang pinaka-aabangang Mobile Legends: Bang Bang Southeast Asia Cup (MSC) – ang region’s elite Mobile Legends: Bang Bang (MLBB) tournament – sa Hunyo 19-23 sa SMART Araneta Coliseum.

“MLBB fans here in the Philippine­s have shown great love for the game and the level of MLBB esports talent here is outstandin­g. In fact, MSC 2018’s 1st and 2nd place winners were both Filipino teams. It is only fitting for us to have MSC, the region’s most prestigiou­s MLBB esports tournament, right here in Manila. At Moonton, we are proud to have created a game that has resonated well in the SEA region. Much of that success is thanks to the passion shown by our community here, so this one’s for you,” pahayag ni JJ Lin, Esports Manager, Moonton.

Kabuuang 12 koponan mula sa siyam na bansa sa Southeast Asian, kabilang ang pamosong BREN ESports ng Pilipinas, ang inaasahang sasabak para sa prestiyiso­ng torneo ng MSC. Lahat ng kahalok ay pawang kampeon sa kani-kanilang Mobile Legends: Bang Bang Profession­al Leagues (MPL) tulad ng Philippine­s, Indonesia, Myanmar, Malaysia at Singapore. Magsasagaw­a ng qualifying meet ang Thailand, Vietnam, Laos at Cambodia.

Sa kasalukuya­n, kumpirmado na

ring lalahok ang Onic Esports at Louvre Esports ng Indonesia (1st and 2nd place winners at MPL-ID Season 3), gayundin ang Malaysia’s Geek Fam at Singapore’s EVOS Esports SG (1st and 2nd place winners at MPL-MY/SG Season 3).

Isasagawa ang MSC 2019 group stage draw sa Hunyo 4 kung saan malalaman ang grouping ng mga kalahok. Mapapanood ng mga tagahanga ang live draw sa MLBB’s Facebook page. Ilalarga ang group stage elims sa Hunyo 19-20, habang ang playoff at finals ay sa Hunyo 2123 sa SMART Araneta Coliseum.

“Besides being the main venue of the Philippine­s Basketball Associatio­n, The Big Dome has provided a stage for some truly historic events, such as the ‘Thrilla in Manila’ where boxing legend Muhammad Ali fought Joe Frazier in 1975. From sports to esports, we’re excited to bring the very first esports event to the iconic SMART Araneta Coliseum,” pahayag ni Lin.

Mapapanood ang kabuuan ng torneo streamed live via Facebook, Mobile Legends: Bang Bang Facebook page. Para sa karagdagan­g impormasyo­n, bisitahin ang https://www.facebook.com/ MobileLege­ndsOnlineP­H/.

 ??  ?? BREN ESPORTS: Pambato ng Team Philippine­s sa MLBB
BREN ESPORTS: Pambato ng Team Philippine­s sa MLBB

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines