Balita

All-Collegiate Team sa Chooks Awards

- Marivic Awitan

APAT na eskwelahan ang pagmumulan ng mga napiling maging miyembro ng napiling AllCollegi­ate Team.

Pinangungu­nahan nina Robert Bolick ng NCAA 3-peat titlist San Beda at Thirdy Ravena ng UAAP back-toback champion Ateneo ang napiling miyembro ng Mythical Five sa 2019 Chooks-to-Go Collegiate Awards na inihahatid ng SportsVisi­on ngayong darating na Lunes sa Amelie Hotel Manila sa Malate.

Tinapos ni Bolick ang kanyang collegiate career na may average na 16.8 puntos, 5.4 rebounds, at 4.8 assists para sa Red Lions sa nakaraang 94th Season ng NCAA. Nagtala din sya ng 50-point outburst kontra Arellano na isa sa highest individual score sa history ng liga.

Para naman kay Ravena, nagposte sya ng average na 14.9 puntos, 3.1 rebounds, 1.2 steals, at 1.0 blocks sa ginawang pagdomina ng Blue Eagles sa nakaraang UAAP Season 81 kung saan sya ang napiling Finals MVP.

Kasama ng dalawang manlalaron­g nabanggit sa AllCollegi­ate Team sina NCAA 94 MVP Prince Eze ng Perpetual at anh UP pair nina Bright Akhuetie at Paul Desiderio.

Silang lima ay nakatakdan­g parangalan sa . annual event na suportado rin ng Amelie Hotel Manila, Rain or Shine, NorthPort, World Balance, Arellano, at AXA Team EDS.

Kasama nilang gagawaran ng award ang NU Lady Bulldogs (Award of Excellence), Angelo Kouame at Javee Mocon ( Pivotal Player ), Sean Manganti at CJ Perez ( Impact Player ), Red Lions’ mentor Boyet Fernandez at Blue Eagles’ tactician Tab Baldwin (Coaches of the Year) at volleybell­es Sisi Rondina at Regine Arocha (SportsVisi­on Volleyball Players of the Year).

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines