Balita

Batang career sa sports ni Gwen Maceda

- Ni EDWIN ROLLON

HINDI lamang sa mga players na naghahanga­d na magkaroon ng career ang binibigyan ng pagkakatao­n ng Community Basketball Associatio­n (CBA) bagkus maging sa aspeto ng courtside reporting.

“We’re planning to hold seminars and clinics not only in basketball but also in courtside reporting. This could be an opportunit­y for them to excel na magagamit nila in the future career” pahayag ni CBA founder actor/director Carlo Maceda.

Aniya ang on-thejob training in sports broadcasti­ng sa live coverage ng CBA ay magbibigay ng pagkakatao­n sa mga ‘aspring talents’ na ituloy ang kanilang career sa communityb­ased competitio­n o sa mas malaking liga.

Sa kasalukuya­n, tawagpansi­n ang 12-anyos na si Gwen Maceda, panganay na anak ni Carlo at maybahay na si Derlyn, sa kanyang istilo sa pagdadala ng aksiyon sa CBA.

“I love the challenge. It’s a great opportunit­y for me to serve as courtside reporter for CBA games,” pahayag ni Maceda sa kanyang pagbisita sa “Usapang Sports” ng Tabloids Organizati­on in Philippine­s (TOPS) nitong Huwebes sa National Press Club sa Intramuros, Manila.

“I enjoy watching basketball and I enjoy doing this job of being courtside reporter. Masaya dito,” aniya.

Ayon sa Grade 8 student ng Grace Christian High School, ang gawain bilang courtside reporter sa CBA ay unang hakbang para sa pangarap na maging matagumpay na broadcaste­r.

“My Dad Carlo (Maceda) believes in helping people realize their dreams by giving them opportunit­ies. I am thankful for my Dad for giving me this break,” aniya sa lingguhang sports forum na itinataguy­od ng Philippine Sports Commission, National Press Club, PAGCOR, CBA at HG Guyabano Tea Leaf Drink ni Mike Atayde.

Ikinatuwa ng batang Maceda ang pagkakatao­n na ilalarga rin ng CBA ang 18-under tournament kung saan aniya, kapwa niya kabataan ang mabibigyan ng pagkakatao­n na mahasa ang talento at galing.

Nakatakdan­g simulan ang CBA Pilipinas 18under Developmen­t League sa San Andres Sports Complex sa Manila at Bicol sa Hunyo 15.

“We’re calling all young talents to enhance your skills in sportscast­ing and broadcasti­ng by joining our soon to be launched camp,” ayon kay Maceda.

 ??  ?? MASAYANG naki-pose sina CBA courtside reporter Gwen Maceda (kanan) at ina na si Derlyn kay Rain or Shine superstar James Yap sa TOPS ‘Usapang Sports’.
MASAYANG naki-pose sina CBA courtside reporter Gwen Maceda (kanan) at ina na si Derlyn kay Rain or Shine superstar James Yap sa TOPS ‘Usapang Sports’.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines