Balita

Suicide bomber, pupuslit sana sa barracks -- AFP Chief

- Ni MARTIN A. SADONGDONG

Kung hindi sa katapangan ng mga miyembro ng 1st Brigade Combat Team (1BCT) ng Philippine Army (PA) ay mas marami pa sana ang nasawi sa naganap na dalawang pagsabog sa isang military headquarte­rs sa Indanan, Sulu, nitong Hunyo 28.

Ito ang pahayag kahapon ni Armed Forces of the Philippine­s (AFP) Chief General Benjamin Madrigal.

Sinabi nito na kung pag-aaralan nang husto ang naging galaw ng ikalawang suicide bomber ay hindi lamang sana walong katao ang nasawi sa pagsabog, kabilang ang tatlong sundalo.

Sa takbo aniya ng pangyayari, naunang sumabog ang bomba sa mismong gate ng kampo habang isinasaila­lim sa inspeksyon ang unang suspek na natuklasan­g suot nito ang IED (improvised explosive device).

Ang unang suspek ay nakilala ng Western Mindanao Command na si Norman Lasuca, 23, isang Pinoy, na sinasabing kaanib ng bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) na pinamumunu­anni Hatib Hakan Sawadjaan.

"Pagsabog ng bomba sa gate, may tumakbo ngayong papasok na naka-itim, maliit lang daw. Hindi malaman kung bata o ano tapos naka-bonnet. Nagpilit na pumasok pero na-neutralize siya, tinamaan," paglalahad ni Madrigal.

"Ang intent ng bata, pumasok sa barracks,” sabi pa nito.

Gayunman, aniya pinaputuka­n ito ng mga sundalo nang mapansin nilang tumatakbo ito patungong barracks.

Nilinaw nito, hindi ito nasawi sa bala dahil pagkabagsa­k nito sa lupa ay sumabog na ang bombang nakakabit sa kanyang katawan na nagresulta sa pagkagutay nito.

Sinabi pa nito na kung nagtagumpa­y ang ikalawang suspek sa pagpuslit sa barracks, mas malaking bilang pa ang posibleng nasawi sa pagsabog.

Ang nabanggit na pag-atake ay nangyari sa mismong araw ng turnover of command para kay Major General Cirilito Sobejana, na katatalaga­ng commander ng Western Mindanao Command.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines