Balita

Hollywood stars, nagpahayag ng suporta kay Lil Nas X

-

NAGPAHAYAG ng suporta ang ilang stars para sa rapper na si Lil Nas X matapos itong maging target ng mga homophobic haters online.

Kaugnay ito ng pag-amin ng rapper nitong Linggo na isa siyang gay man kasabay ng pagdiriwan­g ng WorldPride Day. Bagamat maraming fans ang tumanggap sa pag-amin ni Lil Nas X, may ilang hindi natuwa at binatikos siya sa social media, ulat ng Cover Media.

Nitong Lunes, sumasagot pa ang rapper sa ilang mga komento sa kanya habang ipinagdiri­wang niya ang pananatili ng kanyang viral

song na Old Town Road sa topspot ng America’s Billboard Hot 100 countdown sa loob ng 13 week, ang longest-running number one hip-hop single sa chart history.

“Can you not be gay,” komento ng isang follower, habang sinabi ng isang follower na, “He’s gay I’m no longer listening to this s**t”.

“I apologize for my actions. hope you find a better role model,” tugon ng singer.

Gayunman nitong Martes, tila hindi na kinakaya ng rapper ang mga hateful post laban sa kanya, nang mag-upload ito ng isang sad face emoji na nakasuot ng cowboy hat, habang may hawak na baril at may caption na:

“say one more home of phobic (sic) thing to me.”

Dahil dito, ikinabahal­a ng kanyang mga followers ang post niya, at ilang stars ang nagpahayag ng suporta.

“We love you tho (sic),”mensahe ng dance superstar Diplo, na tampok sa Old Town Road video.

Maging ang Sportsman na si Dwyane Wade, na may anak na gay ay nagkomento ng: “Focus on all the good in your life. Don’t allow these fools (to) get to you. It’s a lot of us out here proud of who and what you represent (sic)”.

Habang nagbigay din ng mensahe ng suporta ang kanyang kapwa rapper na sina Anderson .Paak at RuPaul’s Drag Race star Shangela.

Samantala si Miley Cyrus,

ay una nang nagbahagi ng admiration kay Lil Nas X.

“SO proud of my baby brother @lilnasx,” post ni Miley sa Instagram, kasama ng isang heart at rainbow emoji. “In your corner forever my friend!”

 ??  ?? Lil Nas
Lil Nas

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines