Balita

Tausug dialect, tampok sa ‘Arthdal Chronicles’

- Ni STEPHANIE MARIE BERNARDINO

NAPANSIN kamakailan ng ilang Pinoy viewers na ginamit ang wikang Tausug, isa sa mga wika ng bansa na sinasalita sa probinsiya ng Sulu, sa ongoing Korean series na Arthdal Chronicles.

Nagsimula ang usap-usapang patungkol dito, matapos lumabas sa eighth episode ng serye bilang isa sa mga miyembro ng Wahan tribe, ang Filipino artist na si Nash Ang.

Gayunman, sa pinakabago­ng episode kamakailan, maririnig si Nash na nagsasalit­a ng wikang Tausug habang humihingi ng pagkain at tubig.

Sa isang Facebook post ni Nash nitong Hunyo 30, ibinahagi niya ang isang screen capture ng komento ng mga viewers.

“So some Arthdal Chronicles viewers just noticed that one of indigenous languages from the Philippine­s is featured in this Korean drama. “TAUSUG” is one of the

languages spoken by Wahan tribe,” caption niya.

Mababasa sa komento ang: “That language at 3:36 is our language! Tausug! haha”

Reply ng isa: “Was it really Tausug? I was surprised. I thought I misheard the words. Of all languages, they chose a Fil dialect. Amazing.”

Naka-set ang fantasy drama sa sinaunang panahon, na nagpapakit­a ng pagsilang ng isang sibilisasy­on sa fictitious land ng Arth, at tumatalaka­y sa mga mythical heroes at ang kanilang pagsisikap tungo sa hinahangad nilang kapangyari­han, pag-ibig at pagkakaisa.

Bumibida sa serye ang ilang sikat na Korean star, kabilang sina Jang Dong-gun, Song Jong-ki

, at Kim Ji-won.

“Kahit I often portray small roles, I’m still thankful kasi that’s more than enough opportunit­y for a Pinoy to part ng Korean entertainm­ent. Isipin mo may nagta-Tagalog pala sa Korean drama,” pagbabahag­i pa ng pinoy sa kanyang post.

Si Nash Ang ay isang social entreprene­ur na may mahigit 15 taong karanasan sa digital marketing at community management. Ilang organisasy­on na ang kanyang itinatag na layong mapagkaisa ang mga overseas Filipinos at suportahan ang mga rural communitie­s sa Pilipinas. Isa rin siyang film director at producer na nasa likod ng ilang award-winning documentar­ies at socially relevant films.

Noong 2010, nagwagi ang kanyang pelikula na Best Film sa 1st South East Asian Documentar­y Awards sa Thailand. Habang sa kaparehong taon din niya nakuha ang Grand Prize ng ASEANKorea Multimedia Competitio­n sa South Korea.

Nanalo na rin siya bilang Best Director sa 13th Pyongyang Internatio­nal Film Festival 2012 sa Pyongyang, North Korea. Ang kanyang documentar­y na Paraiso ang nagwagi naman na Best Film Award sa 21st Cine Eco Film Festival 2015 sa Portugal.

 ??  ?? Nash
Nash

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines