Balita

Lolo, tiklo sa boga, bala

-

Ilang uri ng mga baril at bala ang nasamsam ng mga pulis sa isang 69anyos na lalaki sa bahay nito sa Makati City, kamakalawa.

Kinilala ang suspek na si Jose Gozar Samala, retired City bank employee, at residente ng 2551 Cabanillas Street, La Paz, Makati City.

Sa ulat ni Col. Rogelio Simon, hepe ng Makati City Police, nagsilbi ng search warrant ang mga tauhan ng Criminal Investigat­ion Division (CID) sa pangunguna ni Maj Gideon Ines Jr. kasama ang Police Community Precinct (PCP) 2, laban sa suspek sa kanyang tirahan, dakong alas-tres ng hapon.

Inaresto si Samala sa bisa ng search warrant na inisyu ni Makati Regional Trial Court (RTC) Branch 234 Judge Rosario Ester Orda Caise para sa Comprehens­ive Firearm and Ammunition­s Regulation Act (RA 10591).

Sa pagsuyod ng mga pulis, narekober ang isang Glock 9mm na may SN AADV874; isang 380 Bersa SN C42169; isang cal 9mm Beretta SN G72236Z; isang cal 22 rifle na walang SN; pitong pirasong magazine ng Glock na naglalaman ng 105 bala ng 9mm; tatlong long magazine ng Glock na may 66 bala ng 9mm; sampung magazine ng cal. 380 na may 70 bala nito; tatlong magazine ng Beretta cal 9mm na may 45 bala ng 9mm; isang beretta suppressor; apat na magazine pouch; 154 bala ng cal. 380 at 50 pirasong bala ng cal. 45.

Bago ang pag-aresto, unang dumulog sa pulisya ang isa sa mga kapatid na babae ng suspek at inireport ang pagtatago ng baril na walang lisensiya ng suspek.

Sinabi rin ng babae sa awtoridad na nagsampa siya ng kasong grave threat, physical injury at RA 10591 laban sa suspek na nakabinbin sa Calapan, Mindoro Regional Trial Court.

Sasailalim na sa inquest proceeding­s sa Muntinlupa Prosecutor’s Office si Samala para sa kasong RA 10591.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines