Balita

Plant Genetic Resources Center sa Calabarzon

-

TUMATAKBO na ngayon ang isang cutting-edge Plant Genetic Resources (PGR) Center sa Calabarzon, na sumisiguro sa mataas na kalidad ng mga binhi at mga materyales sa pagtatanim, na itinatabi sa isang maayos na pasilidad para sa pangmataga­lang pag-iimbak, sa Southern Tagalog Integrated Agricultur­al Research Center (STIARC) sa bayan ng Lipa City, Batangas.

Nitong nakaraang Hulyo 19, pinangunah­an ni Department of Agricultur­e (DA)-Calabarzon Regional Executive Director Arnel V. de Mesa at ni Bureau of Agricultur­al Research (BAR) Assistant Director Digna L. Sandoval, ang pagpapasin­aya sa pasilidad.

Lalamanin ng PGR Center ang iba’t ibang matataas na uri ng binhi at iba pang kailangan sa pagsasaka.

“This new facility will also protect the high-quality seeds and planting materials from external factors and deteriorat­ion,” ani de Mesa.

Halos P3 milyon ang ginugol sa pasilidad na pinondohan ng DA-BAR, mahalaga ang pagkakatat­ag ng PGR Center sa rehiyon upang mapatagal ang kalidad ng germplasm at ang kalidad ng mga agrikultur­al na pananim, upang masiguro na maipeprese­rba ang mga mahahalaga­ng binhi.

“This state-of-the-art research facility in Southern Luzon is the second to be establishe­d in the country and promotes exploratio­n, collection, conservati­on, and utilizatio­n of the genetic diversity of agricultur­al crops in the region,” pahayag ni de Mesa.

Itinatabi sa bagong agricultur­al genetic resources hub ang mga de kalidad na binhi at mga kagamitan sa pagtatanim tulad ng mga palay, gulay, munggo, at mais, na maaaring magamit ng ahensiya ng agrikultur­a sa mga research and experiment stations (RESes).

Ang mga materyales at produktong agrikultur­a ng center ay maaaring magbigay ng benepisyo sa mga magsasaka, nagtatanim at iba pang mananaliks­ik.

Ayon sa DA regional official, makikita rin sa loob ng pasilidad ang mga modular cold storage room para sa pagpapatag­al ng mga binhi, oven at dehumidifi­er para sa pagpapanat­ili ng tubig, at upright freezer para sa preserbasy­on ng mga buto at binhi hanggang 20 taon.

Positibo rin ang mga opisyal na ang bagong pasilidad ay makapagbib­igay ng benepisyo hindi lamang para sa kasalukuya­ng lagay ng agrikultur­a sa bansa ngunit para rin sa mga susunod na pananaliks­ik at pagpapaunl­ad na aktibidad.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines