Balita

MMFF, may summer edition

- Ni NORA V. CALDERON

TATAWAGING Metro Manila Summer Film Festival ang second edition ng Metro

Manila Film Festival (MMFF), bilang sagot sa ipinanawag­ang tulong ng local movie industry hinggil sa bumababang viewership ng Filipino films dahil sa influx of foreign films at developmen­t at paglago ng mga mas abot-kayang entertainm­ent at media platforms.

Sa ginanap na meeting ng MMFF Executive Committee nitong July 10 naaprubaha­n ang proposal ni Senator Christophe­r Lawrence Go na magdaos ng second edition ng MMFF. Sina Sen. Bong Go at Laguna Congressma­n Danilo Fernandez ang dalawang bagong appointed members ng MMFF Execom. Pareho silang nagbigay ng suporta sa movie

industry.

Ang mga pelikulang ilalahok sa second edition ng MMFF ay magmumula sa mga isa-submit na finished films produced not earlier than January 1, 2019, kasama ang mga pelikulang nai-submit na sa 2019 MMFF finished film competitio­n. Meaning, ang mga pelikulang na-submit na hindi napili sa official entries sa December ay puwede nilang isali.

Walong pelikula pa rin ang pipiliing official entries na ipalalabas sa mga sinehan sa buong bansa.

Eleven days ang pagpapalab­as ng walong pelikula simula sa April 11, Black Saturday. Magkakaroo­n ng Parade of Stars sa April 5, Palm Sunday. Ang event ay pagtutulun­gan ng MMFF at Cinema Exhibition Associatio­n of the Philippine­s (CEAP).

Ang Summer Film Festival ay iprinisint­a sa Metro Manila council at mayors na nangako ng kanilang buong suporta sa Metro Manila Summer Film Festival.

Sa 2020, ang magiging sponsor ng MMFF ay Quezon City kaya sa lugar gaganapin ang Parade of Stars sa Palm Sunday. Ang awards night naman ay idaraos sa April 15, four days after the opening day.

Official entries will be shown on April 11 to 21, 2020.

 ??  ?? MMDA Chair Danilo Lim kasama ang mga MMFF Executives
MMDA Chair Danilo Lim kasama ang mga MMFF Executives

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines