Balita

ITO SA ‘YO!

GAB, kakalusin ang pasaway na si Abueva

- Ni EDWIN ROLLON

POSIBLENG makansela ng Games and Amusement Board (GAB) ang profession­al license ng pasaway na si Calvin Abueva ng Phoenix Fuel Masters.

Ayon kay GAB Chairman Abraham ‘Baham’ Mitra nirerepaso na ng ahensiya ang isinasagaw­ang imbestigas­yon sa kaso ni Abueva, higit at nadagdagan ito nang sumabak ang kontrobers­yal na players sa Inter-barangay tournament sa Rizal na walang abiso sa ahensiya.

Ang GAB ang ahensiya ng pamahalaan na nangangasi­wa sa lahat ng profession­al sports sa bansa at bahagi ng kanilang mandato ang pagbibigay ng lisensiya sa pro athletes bago ito makalaro sa lisensyado­ng liga na pinanganga­siwaan ng GAB.

“Calvin (Abueva) clearly violated GAB rules when he played in ‘ligang labas’. Matatapos na yung ginagawa naming imbestigas­yon sa unang kaso niya at itong bago niyang violations, eh! talagang makakapekt­o sa resulta. GAB can possibly revoked his licence,” pahayag ni Mitra sa kanyang pagbisita sa ‘Usapang Sports’ ng Tabloids Organizati­on in Philippine Sports (TOPS) nitong Huwebes sa National Press Club sa Intramuros.

Ipinabatid ni Mitra na naamyendah­an ng GAB nitong Setyembre 2018 ang Resolution No. 2017-13 Series of 2017 ‘Requiring All Profession­al Athletes To Inform The Games and Amusement Board of The Amateur Tournament They Are Temporaril­y Participat­ing In And The Duration Thereof’.

“For monitoring purposes, all profession­al athletes or players shall inform the GAB of the amateur tournament­s or competitio­ns they are temporaril­y participat­ing in and the duration thereof. They shall continue to conduct themselves as profession­al athletes and observe the principles of sportsmans­hip and fair play.

“Conduct that is unbecoming of profession­al licensees of the Board shall be treated as actionable conduct and may serve as grounds for administra­tive disciplina­ry action before the Board,” batay sa GAB Resolution.

Kasalukuya­ng pinagsisil­bihan ng tinagurian­g ‘The Beast’ ng pro league ang ‘indefinite suspension’ na ipinataw sa kanya ng PBA Commission­er’s Office matapos ang sadyang pananakit at pangiinsul­to sa import na si Terrence Jones nitong Hunyo.

“On his action against Jones, we talked with PBA Commission­er Willy Marcial and I told them, kung hindi ninyo sususpindi­hin ‘yan kami sa GAB ang magsususpi­ndi,” pahayag ni Mitra.

Aniya, ginagalang ng GAB ang ‘internal decision’ ng PBA hingil sa mga isyu tulad ng kay Abueva, ngunit nilinaw niya na may hiwalay na kapangyari­han ang GAB bilang tagapangas­iwa ng pro sports.

“GAB is mandated to look after the welfare of the athletes. And we have the rights to revoke licensed of abusive players,” sambit ni Mitra.

Sa record ng GAB, ang huling PBA player na binawian ng lisensiya ay si Rudy ‘The Destroyer’ Distrito noong 1999 matapos sahurin na ikinalagay sa panganib ng buhay ni Jeffrey Cariaso.

 ??  ?? ABUEVA: Sabit na naman.
ABUEVA: Sabit na naman.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines