Joshua Garcia, respetado ng reporters kahit bata pa
KAY Joshua Garcia nakasentro ang usap-usapan ng mga katotong dumalo sa media launch ng The Killer Bride sa Dolphy Theater ng ABS-CBN last Thursday night.
Si Joshua ang ka-love team na naging boyfriend o ex-boyfriend na ni Julia Barretto na nali-link ngayon kay
Gerald Anderson. Mag-iisang linggo nang laman ng entertainment pages at social media ang kontrobersiya. Sa post ni Bea Alonzo sumabog ang isyu, dahil lumalabas na may commitment pa sa kanya si Gerald pero may nakakitang kasa-kasama nito si Julia sa birthday party ni Rayver Cruz.
Ang kasunod ay labu-labong mga tsismis at espekulasyon, at bagamat nananahimik ay damay siyempre si Joshua.
Habang nagdadatingan pa lang ang reporters, pinag-uusapan na kung anu-ano ang maaaring itanong sa young actor, at kung paano ilulusot ang mga katanungan na hindi makakasira sa promo ng The
Killer Bride. Panay ang tukso kay Katotong Allan Diones na siya ang bagay “mag-interogate”.
Panay ang tawanan dahil minsan nang nagkaroon ng isyu ang pagtatanong ni Allan kay Joshua tungkol sa iba namang isyu.
Pero natapos ang presscon na hindi napasakamay ni Allan ang mic. Kaya ito agad ang kanyang status sa Facebook pagkatapos ng presscon, hindi siya pinagtanong. Si Katotong
Leo Bukas ang nagkaroon ng pagkakataong mailusot ang isyu sa open forum.
Tulad ng inaasahan ng lahat, maingat at tantiyado ang pagtatanong kay
Joshua na buong
ingat din naman sumagot na maayos naman ang kalagayan niya, abala siya sa trabaho kaya malayo sa konsentrasyon ng utak niya ang mga nangyayari.
Isa sa mga good boy sa showbiz si Joshua. Marespeto siya sa lahat.
Kaya hindi kataka-taka na bagamat bata pa at masasabihang baguhan pa rin sa showbiz, inirerespeto at iniingatan ding masaktan.
Tulad sa ordinaryong mundo, umaandar din sa showbiz ang likas na palitan ng maayos na trato.
Masdan ang mga artista barubal umasta o walang respeto sa kapwa, iyon din naman ang ibabalik na trato sa kanila.
Samantala, may bago nang ka-love team si Joshua, si Janella
Salvador. See, siya rin agad ang may bagong project -- tulad din ni Bea Alonzo na bukod sa pelikula ay may teleserye pang gagawin.
Makakasama nina Joshua at Janella sina Maja Salvador at Jobelle Salvador
(kaya tatlo ang Salvador sa The
Killer Bride) at ang napakarami pang pawang mahuhusay na cast. Next time, susulatin namin ang interesting na plot ng serye na magpapabalik sa audience sa panahon ng naging bukambibig nang “Gabi ng Lagim”.
Yes, suspensehorror-thriller ang The Killer Bride.