‘Huwag Kang Mag-alala’, comeback single ni Renz Verano
BAGONG single ng OPM singer na si Renz Verano ang mapakikinggan sa ilalim ng GMA Music
Matapos ang halos isang dekada, nagbabalik ang OPM Icon na si Renz Verano matapos niyang pumirma ng distribution deal sa GMA Music para sa kanyang upcoming single na Huwag Kang Mag-alala. Kilala bilang boses sa likod ng classic hits na Remember Me at Ibang-iba Ka Na, positibo si Renz na magiging maganda ang samahan nila ng record label.
“Nagpapasalamat ako na pinagbigyan ako ng GMA Music. Sana maging maganda itong relasyon namin at sana magkaroon din tayo ng magandang
hit,” lahad ni Renz.
Ibinunyag din ng veteran singer na mapakikinggan muli ang kanyang signature voice sa Huwag kang Mag-alala. Dagdag pa niya, mayroon din itong “millennial-feel.”
“Ang mga bagong recording ko ngayon, hindi masyadong malalim ang mga ginamit naming lyrics dito. Kaya medyo pangmillennial. It’s still a love song but not like before na talagang love-rock ballad. Ngayon, medyo magaan. I would say it’s a little bit lighter than the music that we used to have,” kwento ni Renz. Samantala, nagpapasalamat naman si GMA Music Managing Director sa tiwala ni Renz sa record label, “We are glad that Renz decided to partner with us in his comeback. Marami ang naghintay sa kanyang pagbabalik kaya ngayon, malapit na siyang mapakinggan hindi lamang ng kanyang henerasyon kundi pati na rin ng mga kabataan ngayon.” Dumalo sa contract signing sina GMA Music Managing Director Rene Salta, GMA Music A&R Manager Kedy Sanchez, GMA Music Sales and Marketing Manager Babec Martin-Tubola, at composer-producer ng Huwag Kang Mag-alala na si Sunny Ilacad.