Balita

A$AP Rocky, kinasuhan ng assault

-

KINASUHAN ng assault ang Amerikanon­g rapper na si A$AP Rocky sa Sweden dahil sa umano’y pagkakasan­gkot nito sa gulo, at kasalukuya­n siyang nakadetine sa bansa hanggang sa matapos ang trila, inihayag ng Swedish prosecutor nitong Huwebes.

Noong Hulyo 3 nakulong ang 30year-old performer, producer at model, na ang tunay na ngalan ay Rakim

Mayers, kasama ang dalawa pa dahil sa pagkakasan­gkot nito sa gulo sa central Stockholm on June 30.

Sinampahan ng kasong assault si Rakim, ayon sa pahayag ng piskal at nahaharap ang rapper sa hanggang dalawang taong pagkakakul­ong sakaling mapatunaya­ng nagkasala.

“I have today commenced criminal proceeding­s against the three individual­s suspected of assault causing actual bodily harm, having come to the conclusion that the events in question constitute a crime despite claims of self-defense and provocatio­n,” lahad ng Public Prosecutor na si ni Daniel Suneson.

Simula pa lamang ay gusto nang sampahan ni Daniel si

Rakim ng aggravated assault.

Ang rapper na nakilala sa kantang Praise the Lord, ay nasa Stockholm para magtanghal sa Smash hip-hop festival, ngunit dahil nakulong, nakansela na ang mga nalalabing pagtatangh­al niya sa kanyang European tour. Nakatakda siyang magtanghal sa United States sa August 11.

Malawak ang nakuhang atensyon ng kaso ni A$AP Rocky at nakaabot ito kay U.S. President Donald Trump. Nitong nakaraang linggo, kinumbinsi ni Trump si Swedish Prime Minister Stefan Lofven na palayain na ang rapper at handa umano itong bayaran ang piyansa ni Rakim. Sinagot si Trump ni Lofven at sinabing hindi makikialam ang huli sa kaso ni A$AP Rocky.

 ??  ?? A$AP Rocky
A$AP Rocky

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines