Balita

Elton John AIDS fundraiser, nakakalap ng $6 million

-

Nitong Miyerkules ay naglunsad si Elton John ng isang celebrity gala, kung saan nakakalap ang singer ng mahigit $6 million na ayuda para sa mga taong may HIV/AIDS sa Kenya.

Lumaki ang nakalap na pondo dahil sa isinubasta­ng luxury car at autographe­d piano na ginamit ng singer sa Rocketman movie musical.

Malugod na tinanggap ng British singersong­writer, na nasa bakasyon ngayon mula sa kanyang world tour, sina Coldplay frontman Chris Martin, The Who guitarist

Pete Townshend, actress Joan Collins

at Taron Egerton, na gumanap bilang John sa Rocketman, sa isang villa sa Cap d’Antibes, France.

“We’re here for the Elton John AIDS foundation, our first south of France fundraiser, hopefully to raise money for people who desperatel­y need it in our fight against HIV and AIDS,” pahayag ni Elton sa mga mamamahaya­g.

Nagtanghal sa event si Chris at inawit ang Viva La Vida. Kalaunan ay dinaluhan siya ni John sa entablado at sabay nilang inawit ang I’m Still Standing at Rocketman para sa mga bisita.

Samantala, isinubasta sa event ang isang limited-edition luxury Bentley car, isang Gucci jacket na sinuot ni Taron sa

biopic ni Elton, at mga ticket sa huling world tour ng singer. Inanunsiyo ng Elton John AIDS Foundation noong nakaraang taon na target ng MenStar Coalition na palawigin ang mga hakbang na tutulong sa mga pasyente ng HIV, partikular sa sub-Saharan Africa. Ginanap ang party upang suportahan ang programang magbibigay ng

HIV self-test kits sa 400,000 kalalakiha­n sa Kenya.

“The thing is for people to get tested, to know their status, not to be ashamed of it. It’s a very treatable disease,” pahayag ni Elton nitong Miyerkules. Ang Elton John AIDS Foundation ay nakapagbig­ay na ng aabot sa $450 million donasyon sa mga proyektong isinusulon­g ng organisasy­on mula nang maitatag noong 1992.

 ??  ?? Elton
Elton

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines