Balita

Ika-115 labas

- R.V. VILLANUEVA

ENROLMENT sa paaralan ni Adora, pinuntahan siya doon ni Ruben. Dahil, graduate na ito, nagtatraba­ho na raw habang nagre-review para sa board. Hindi man itinanong ni Adora, halos ay alam na niyang sa kumpanya ng ama nito ito nagtatraba­ho.

Sabi pa ni Ruben: “Sabi ko nga kay Daddy, kelangang paghandaan ko na ang sarili kong buhay. Hindi naman siya tumutol. Itinanong pa nga ni Daddy kung bakit gano’n ako kadesidido­ng magtrabaho. May plano na raw ba akong mag-asawa. Sabi ko, baka sakali. Ang hindi ko lang sinabi ay talagang plano ko nang mag-asawa

pag sinagot mo ako!”

“Aba, ba…! Hindi pa kita sinasagot, ha?”

Kung saan-saan sumuot at lumabas ang kanilang pag-uusap. Kung ano-anong paksa. Pero madalas, ang paksa ay bumabalik sa proposal ni Ruben tungkol sa kanyang pag-ibig.

“Dapat siguro, kung hindi mo man ako sagutin, Adora… bigyan mo man lang ako ng pag-asa bago tayo maghiwalay.”

“Bakit ka naman nagmamadal­i?” “Dahil…malapit na rin ako kumuha ng board exams…”

“O, e…ano naman ang kinalaman ng kinukulit mo sa’kin sa board exams mo?” Kunot-noo si Adora.

“Malaki, Adora. Dahil sa sagot mo sa’kin nakasalala­y kung papasa ako sa board exams ko.”

“Anong kalokohan ‘yon, Ruben?”

“Pag binigo mo ‘ko, Adora…baka hindi na ako mag-attempt na kumuha ng exams. Tutal, tiyak namang babagsak ako. Ano pa ang saysay ng pagpasa ko kung mawawala ka naman.”

Hindi siya kumibo. “Naririnig mo ba ako, Adora?” Muli, hindi siya kumibo.

“O, ang hindi mo pagkibo ay para mo na ring pagsagot sa akin?”

Minsan pa, hindi uli siya kumibo.

“Yess!” Naglulunda­g sa tuwa si Ruben.

“Aba, ba! Hoy! Tumigil ka nga d’yan. Hindi pa kita sinasagot!”

Pero kahit gaano pa ang gawing pagbawi ni Adora sa ipinalalag­ay ni Ruben na pagsagot niya, hindi na naniwala ang binata. Lalong tumibay ang paniwala ni Ruben na sumagot na nga siya nang hindi nito tutulan ang pagyakap at paghalik sa kanya ni Ruben. Isang maapoy, matagal na halik sa kanyang bibig.

Aaa, pareho silang naghahabol ng hininga nang maglayo ang kanilang mga labi.

“G*** ka!” Mariin na lang niyang bulong saka inilibot ang tingin sa loob ng kantina. “U*** ka, baka may nakakita sa’tin?”

“Pakialam nila, nagmamahal­an tayo e,” matatag na sabi ni Ruben.

Ewan nga kung may nakakita sa kanila. Dahil medyo maaga pa noon, dalawang lalaki lang ang inabutan nilang nagmimirye­nda na malayo naman sa kanila. Ang dalawang tindera ay wari namang abala sa pag-aasikaso ng kanilang mga paninda. Wala nga kayang nakakita sa ginawa nilang eksena?

Pero sa sarili lang ni Adora: Hindi maaaring walang makapuna sa kanila. Di ba kanina’y halos sumigaw si Ruben nang sa pag-aakala nito’y sumagot na siya?

Mula sa araw na iyon, bagama’t hindi nga tuwiran pa ang ginawa niyang pagsagot kay Ruben, hindi na rin niya naitanggin­g pareho rin naman sila ng damdamin ni Ruben. Saka, ano pa ba naman ang dahilan para siya magpakipot? Tiyak na tiyak na naman niya ang dalawang importante: Una mahal niya si Ruben. Ikalawa, tiyak na niyang kay Ruben hindi lang sa pader siya masasandal kundi buong building.

Itutuloy...

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines