Balita

Pulis, 3 pa, laglag sa buy-bust

- Ni ORLY L. BARCALA

Pinosasan ng kanyang mga kabaro ang isang kawani ng Northern Police District (NPD), kasama ang tatlo pa niyang mga kasamahan, matapos madakip sa ikinasang buy bust operation sa Valenzuela City, Sabado ng umaga.

Kinilala ni P/ Col. Carlito M. Gaces, hepe ng Valenzuela Police, ang mga inaresto na sina Police Officer 1 Jun R. Acosta, 42, nakatalaga sa NPDDistric­t Police Intelligen­ce Operation Unit (DPIOU) at Vannesa Bayani, 28, kapwa nakatira sa Rivera Compound, Kaligayaha­n Street, Novaliches, Quezon City; Marrianne Salas, 34 at Randy De Jesus, 37, mga residente ng No. 457 Dulong Tangke , Bgy Malinta, Valenzuela City.

Ayon kay Gaces, ang mga nadakip ay nasa drug watch list ng Valenzuela Police, dahil sa umano’y pagbebenta ng ilegal na droga.

Bago ang pag-aresto kina Acosta, bandang 5:30 ng umaga, nagkasa ng buy bust operation sina P/ Capt. Segundino Bulan Jr., head ng Station Drug Enforcemen­t Unit (SDEU) ng Valenzuela Police, sa harap ng isang gasolinaha­n sa Mac Arthur Highway, ng naturang Lungsod.

Si PSSg. Vasquez ang nagkunwari­ng poseur buyer at makalipas ang ilang sandali dumating si PO1 Acosta na angkas sa motorsiklo (9403) si Bayani, kasunod sina Salas at De Jesus na sakay din ng motorsiklo na may plakang 6502.

Nang maiabot ang shabu na nagkakahal­aga ng P500, agad nang pinalibuta­n ng grupo ni Capt. Bulan at pinosasan ang mga suspek.

Nasamsam sa apat ang anim na plastic sachet na may lamang shabu, dalawang motorsiklo at PNP Identifica­tion card ni Acosta.

Kinasuhan na ng Violation of Sec. 5 and Sec. 11 of RA 9165 ang mga inaresto habang sibak din sa puwesto si Acosta.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines