Balita

‘Endo’ bill, ipinahahai­n uli

- Leonel M. Abasola

Nanawagan si Senate President Pro Tempore Ralph Recto sa ehekutibo na ilagay ang kanilang nais sa nasabing Security of Tenure (SOT) bill bago ito ipadala sa Kongreso.

Aniya, ang ginawang pagveto sa SOT ay hindi katanggapt­anggap dahil wala naman umanong malinaw na batayan.

Ayon kay Recto, mas mainam na gawin din itong “urgent” upang ito ay agad na mapagpasya­han ng dalawang kapulungan.

Maaari rin aniyang gumawa ng tripartite summit sa endo, kabilang ang sektor ng manggagawa, gobyerno upang mailahad ang lahat ng ideya sa usapin.

“I sympathize with Joel (Villanueva) who had worked hard on this bill. Hindi pwedeng kung kailan tapos na ang boxing, doon pa lang mag-iingay ang ibang taga-Executive. Hindi pwede yung laban-bawi. This was not an easy bill to write. Joel made sure that it was a balanced one. It was a tightrope act under stormy conditions” paliwanag pa ng senador na ang tinutukoy ay si Senator Villanueva, ang may-akda ng batas.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines