Balita

‘Back to Bakuna’ inilunsad sa Calabarzon

- Mary Ann Santiago

Inilunsad ng Department of Health (DoH) sa Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon) ang kanilang “Back to Bakuna” schoolbase­d immunizati­on program upang mapagkaloo­ban ng libreng bakuna ang mga mag-aaral sa rehiyon.

Ang programa ay isinagawa sa Santa Rosa Elementary School Central III sa Sta. Rosa, Laguna, katuwang ang Department of Education- Calabarzon at Sta. Rosa local government, kung saan 3,047 mag-aaral ang target nilang mabakunaha­n.

“We are certain that we can immunize all our target children in the region now that the trust and confidence of parents in the immunizati­on program of the DOH are slowly returning,” ayon naman kay Regional Director Eduardo Janairo, na nanguna sa aktibidad.

“Nakikita natin ito sa dagsa-dagsang magulang na dinadala ang kanilang anak sa mga health center at ang pagbibigay nila ng kanilang parental consent upang mabigyan ng bakuna ang kanilang anak laban sa tigdas at iba pang sakit na preventabl­e lamang sa pamamagita­n ng tamang bakuna,” aniya pa.

“Measles is preventabl­e and vaccinatio­n is the only way to prevent it. Napakaimpo­rtante na lahat ng bata ay mabakunaha­n upang maiwasan natin ang pagkakaroo­n ng epidemya. Mahalaga rin na palakasin natin ang pangangata­wan ng mga bata sa pamamagita­n ng pagbibigay ng tamang nutrisyon, tamang pahinga at wastong pagkain,” ayon pa sa opisyal.

Layunin din ng nasabing programa na magkaloob ng libreng measles at rubella vaccines, kabilang na ang mga booster doses ng tetanus-diphtheria vaccines sa public school children mula kindergart­en hanggang Grade 7, o mula lima hanggang 13-taong gulang.

Tatagal ang kampanya hanggang sa Setyembre ng taong ito.

Sa rekord ng Regional Epidemiolo­gy and Surveillan­ce Unit (RESU), aabot na sa 8,674 measles cases ang naitala nila sa rehiyon mula Enero 1, 2019 hanggang Hulyo 25, 2019, na 931% na mas mataas sa 841 kaso na naitala noong 2018. Sa naturang bilang, 167 pasyente ang kumpirmado­ng nasawi.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines