Balita

‘Pinas, ‘di aangkat ng bigas – Duterte

- Beth Camia

Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na walang aangkating bigas mula sa ibang bansa sa panahon ng anihan.

Ayon sa Pangulo, kailangan munang ubusin ang stock na bigas ng mga lokal na magsasaka bago pa pag-iisipan kung kailangan umangkat ng bigas ng bansa.’

Bukod dito, sinabi rin ng Pangulo na kahit mahal ang presyo ng bigas na mabibili mula sa mga lokal na magsasaka, handa pa ring bilhin ng pamahalaan ang produkto sa halip na bumili sa labas ng bansa.

Iginiit ng Pangulo na ayaw niyang sumama ang loob ng mga lokal na magsasaka kaya kahit na malugi ang pamahalaan ay kapakanan pa rin ng mga lokal na magsasaka ang kanyang uunahin.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines