Balita

1 patay, 7 arestado sa ‘shabu party’

- Orly L. Barcala

Patay ang isang lalaki habang pito ang nadakip nang salakayin ng pulisya ang bahay na pinagdadau­san ng kaarawan ng isa sa mga akusado, na namataang humihithit ng shabu, sa Valenzuela City, kahapon ng umaga.

Ayon kay P/ Col. Carlito M. Gaces, hepe ng Valenzuela Police, dead on the spot si Carlos Raquero, nasa hustong gulang, nakatira sa Area 4, Dump Site, Pinalagad , Barangay Malinta ng nasabing lungsod.

Kuwento ng opisyal, matagal nang under surveillan­ce ng Station Drug Enforcemen­t Unit (SDEU) si Antonette Roquero, kapatid ni Carlos, dahil sa pagtutulak nito ng ilegal na droga.

Matapos magpositib­o ang impormasyo­ng nakalap ng pulisya, sinalakay ng grupo ang lunggang pinagtatag­uan ng mga suspek sina Gaces, Mark Anthony Najera, Dandre Estusyon, Conrado Pagculan, Rey Apindo, Mike Danreb, Lito Matienzo at Adrian Tamoguiz.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines