Balita

2 pekeng dentista, tiklo

- Bella Gamotea

Sa kulungan ang bagsak ng dalawa sa tatlo na umano’y mga pekeng dentista matapos ang entrapment operation ng pulisya sa isang bahay sa Taguig City, iniulat kahapon.

Nasa kustodiya na ng Southern Police District (SPD) headquarte­rs ang mga mga naaresto na sina Conrado Ganaban, alyas “BJ”, 57, PWD, miyembro umano ng Sigue-Sigue Sputnik, at residente ng No.4020 Tigermouse Street, Barangay Ususan, Taguig City; at Jonathan Boquiren, alyas “Athan”, 31, binata, freelance air conditione­r installer, ng Lot 16 Block 300, Woodpecker St., Bgy. Rizal, Makati City, habang nakatakas naman ang kanilang kasabwat na si alyas “Saroy”.

Sa ulat ng SPD, nagsagawa ng entrapment operation ang mga tauhan ng District Special Operation Unit (DSOU) sa pangunguna ni E/M/S Julius Perez kasama ang mga kinatawan ng Philippine Dental Associatio­n, laban sa tatlong suspek sa bahay ni Ganaban sa No.4020 Tigermouse St., Bgy. Ususan, dakong 10:15 ng umaga.

Nagpanggap na customer ang isang pulis para sa serbisyo ng mga suspek na nagsasagaw­a ng aktuwal na illegal dental practice nang walang lisensiya at hindi awtorisado na mag-operate.

Pagka-abot ng bayad, agad na inaresto ng mga pulis ang dalawang suspek habang nakatakas naman si Saroy.

Narekober sa mga suspek ang dental equipment/tools, supplies, at iba pang dental accessorie­s.

Nag-ugat ang operasyon nang magtungo sa tanggapan ng DID/D2 ang isang walk-in informant upang iulat ang umano’y illegal dental practice ng isang pekeng dentista dahilan upang magsagawa ng beripikasy­on, casing at surveillan­ce ang DSOU laban sa mga suspek.

Pormal namang naghain si Dr. Art Kevin De Leon ng PDA ng paglabag sa Philippine Dental Associatio­n Act of 2007, Section 33 (RA 9484) laban sa dalawang suspek.

Samantala, tuloy ang follow-up operation ng awtoridad para sa ikadarakip ni Saroy.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines