Balita

Obrero, tinarakan ng kapwa obrero

- Mary Ann Santiago

Isang constructi­on worker ang sinaksak ng kanyang kapwa constructi­on worker matapos niya itong habulin nang makaaway habang nag-iinuman sa loob ng isang KTV bar sa Barangay Kapitolyo, Pasig City, kamakalawa ng gabi.

Under observatio­n pa sa Rizal Medical Center ang biktimang si Marlon Respondo, 40, habang nakatakas naman ang suspek na si Nilo Barros, 61, bitbit ang patalim na ginamit sa krimen.

Batay sa ulat ng Pasig City Police, dakong 11:30 ng gabi, nang maganap ang krimen sa Sta. Rosa Street, sa Bgy. Kapitolyo.

Bago ang insidente, nag-iinuman umano ang suspek at biktima, kasama ang iba pang kasamahan, sa loob ng isang KTV bar nang magkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawa.

Inawat naman sila ng kanilang mga kasamahan kaya’t nagpasya ang suspek na umalis na lamang sa lugar upang hindi na lumaki pa ang gulo.

Gayunman, hinabol siya ng biktima at muling kinumpront­a na nauwi sa pagbubuno at pagsusuntu­kan ng mga ito.

Sa kasagsagan ng gulo, bigla na lang bumunot ang suspek ng patalim at sinaksak sa tiyan ang biktima bago mabilis na tumakas, habang isinugod naman sa pagamutan ang biktima ng kanilang mga kasamahan.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines