Balita

46 todas sa dengue sa Region 12

- Ali G. Macabalang at Light Nolasco

COTABATO CITY – Nasa 46 na ang nasawi kaugnay ng patuloy na pagtaas ng bilang ng nahahawaan ng dengue sa Region 12 (Soccsksarg­en region), ayon sa Philippine Informatio­n Agency (PIA).

Sa inilathala­ng ulat ng PIA, nasa 10,068 cases na ang tinamaan ng sakit, kabilang na ang naitalang 46 na nasawi.

Pinagbatay­an ng PIA ang report ng Department of Health-Center for Health Developmen­t (DOH-CHD) sa rehiyon kung saan naitala sa North Cotabato ang pinakamata­as na 3,411 cases na may 16 patay na sinundan ng South Cotabato ang pinakamata­as na bilang nito na 3,301, kabilang din ang 16 pang nasawi.

Aabot naman sa 1,494 ang nahawaan ng sakit sa Sultan Kudarat na may highest mortality rate na 19.

Nasa 907 cases naman sa Sarangani, kabilang ang tatlong nasawi habang nasa 555 cases naman sa General Santos City, na isa lamang ang binawian ng buhay.

Kaugnay nito, pumalo naman sa 1,548 ang nahawaan sakit sa Nueva Ecija sa nakalipas na anim na buwan ng taon.

Nangunguna ang Cabanatuan City na may pinaka-mataas na 311 cases na sinundan ng Talavera, Gapan City, Sta. Rosa, Gabaldon, San Antonio, Guimba, Jaen, Palayan City,at Zaragoza.

Ayon kay Dra. Josefina Garcia, provincial health oficer, mahigit sa 50% ang itinaas ng kaso ng dengue sa probinsya kumpara noong anim na buwan ng nakaraang taon.

Nakababaha­la aniya ang mabilis na pagtaas ng kaso ng sakit dahil halos kada linggo ngayong buwan ay may nabibiktim­a.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines