Balita

Ex-Negros mayor, 2 pa, niratrat ng NPA?

- Glazyl Masculino

BACOLOD CITY – Apat na katao, kabilang ang isang dating alkalde, konsehal at kapitan, ang napatay nang pagbabaril­in ng grupo ng umano’y New People’s Army (NPA) sa magkakahiw­alay na insidente sa Negros Oriental, kahapon ng madaling araw.

Si dating Ayungon, Negros Oriental Mayor Edsel Enardecido, 60, at pinsan na si Leo, 45 ay dead on the spot dahil sa mga tama ng bala sa katawan.

Ang dalawa ay pinasok ng mga armadong lalaking pinaghihin­alaang mga rebelde at pinagbabar­il habang natutulog sa bahay sa Barangay Tampocon 1, dakong 2:30 ng madaling araw.

Sa Canlaon City, napatay naman si Councilor Ramon Jalandoni ng grupo ng umano’y rebelde nang ratratin ang bahay nito sa Bgy. Panubigan, dakong 12:14 ng madaling araw.

Ayon sa pulisya, mahahabang armas ang ginamit sa pamamaslan­g kay Jalandoni.

Bago tuluyang tumakas, sinulatan pa ng grupo ang kotse ng biktima ng, “Mabuhay CPP-NPA.”

Matapos ang anim na minuto, pinasok din at pinagbabar­il si Panubigan bgy. chief Ernesto Posadas, 71, 12:20 ng madaling araw.

Binawian ng buhay sa ospital si Posadas dahil sa matinding tama ng mga bala sa ulo.

Tumakas ang mga suspek sakay ng isang puting van.

Nagsasagaw­apangimbes­tyigasyon ang pulisya sa nasabing mga kaso.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines