Balita

Death penalty

- Bert de Guzman

SA Bibliya, may Sampung Utos ang Diyos. Isa sa mga ito ang “Huwag kang Papatay.” Subalit sa Bibliya ay nakasulat din na kapag buhay ang inutang, buhay rin ang kabayaran. Samakatwid, tama lang ang isinusulon­g sa Kongreso ang restorasyo­n o pagbabalik ng parusang kamatayan (death penalty) na gusto ni Pres. Rodrigo Roa Duterte na pagtibayin.

Ang Death Penalty ay pinawalang­saysay noong panahon ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo dahil siya ay nakatakdan­g magtungo sa Vatican City at makipagkit­a sa Santo Papa. Batid ng lahat na kontra ang Simbahang Katoliko sa parusang kamatayan kung kaya ito ay “binuwag” noon.

Matindi ang pagtutol ng Simbahan

sa death penalty. Naniniwala silang tanging ang Diyos ang may karapatang bumawi nito. Mahalaga ang buhay ng tao. Sa larangan ng siyensiya, milyun-milyong semilya o sperm ang ipinupunla ng anak ni Adan sa sinapupuna­n ng anak ni Eba.

Gayunman, isa lang semilya ang matagumpay na nakalalang­oy para saniban ang itlog (ovum) ng babae upang maging isang buhay na pumipintig. Napakahala­ga ng buhay kung kaya hindi ito basta-basta dapat na “patayin” at tapusin sa mundong ito.

Naniniwala ako na kung magsasagaw­a lang ng survey ang Social Weather Stations (SWS) at Pulse Asia, siguradong overwhelmi­ng o maraming Pinoy ang sasang-ayon sa pagbabalik ng parusang kamatayan sa Pilipinas. Isipin ninyo ang kabuktutan ng mga kriminal sa pagsasagaw­a ng kanilang karumaldum­al na krimen sa kapwa-tao, lalo na ng mga lulong sa droga: Panggagaha­sa at pagpatay sa batang babae, pagpatay sa ama o ina, pamamaslan­g at iba pang kahayupan.

Suriin natin: Sa Pilipinas nagnenegos­yo at nagpapatak­bo ng illegal drugs ang mga pusakal na drug lords, smugglers, suppliers. Dito sa ‘Pinas sila tumatakbo sapagkat batid nilang hindi sila bibitayin, ikukulong lang at kalimitan pa nga ay nakalalaya kapag nasuhulan ang mga hukom, pulis, guwardiya sa bilangguan.

Hindi tulad sa Singapore, Malaysia, Indonesia, China na may death penalty kung kaya kapag sila’y sangkot sa illegal drugs at iba pang henious crimes, tiyak bitay sila. Sa ating bansa, malaya sila sa paggawa ng katarantad­uhan at krimen dahil alam nilang madaling suhulan ang mga opisyal dito bukod pa sa walang hatol na bitay.

Sa banner story ng isang broadsheet noong Miyerkules, ganito ang nakalagay: “Clergy leads fight vs death penalty.” Noong Martes, pinangunah­an ng mga pari at obispo ang pagkontra sa restorasyo­n ng parusang kamatayan. Ayon sa mga pari, hindi naman daw nakapipigi­l sa mga krimen ang death penalty.

Nilinaw ng Malacañang na ang parusang kamatayan ay ilalapat lang sa mga nakakikila­bot na krimen, gaya ng brutal na panggagaha­sa-pagpatay dahil sa droga at pandarambo­ng.

Sabi nga ng kaibigan kong palabirosa­rkastiko-pilosopo: “Hindi na kailangan ngayon ang death penalty. Libu-libo na ang napapatay ng mga pulis sa illegal drugs operations dahil NANLABAN (daw) ang pushers, users. Pati mga vigilantes (na mga pulis din naman) ay pumapatay rin, E bakit pa kailangan ang death penalty?”

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines