Balita

Patuloy ang pagdanak ng dugo

- Fr. Anton Pascual

SA pinakahuli­ng State of the Nation Address ng ating Pangulo, nangako siya na magpapatul­oy lamang hanggang matapos ang kanyang termino ang laban ng pamahalaan sa ilegal na droga. Idinagdag din niya ang death penalty para mga drug crimes at plunder. Sa maikling salita, patuloy ang pagdanak ng dugo sa bansa.

Kapanalig, ang kultura ng kamatayan ay mahigpit ang hawak sa ating bayan. Makikita ito hindi lamang sa polisiya ng pamahalaan, kundi sa gawi at ugali ng mga mamamayan. Isang ehemplo lamang ang may malakas na loob na magsambit ng isang artista na mamatay ng lahat

ng tumutuligs­a sa pangulo. Makikita ito sa mga posts at komento sa social media ng mga ordinaryon­g mamamayan. Kahit gaano kaliit o kalaki ang nakikitang pagkakamal­i ng mga taong nai-i-post sa social media, mababasa natin sa komento ang mga salitang “itokhang na yan,” o di kaya “ba’t di pa yan nanlalaban?”

Ang mga salitang lumalabas sa ating mga bibig ngayon ay nagpapakit­a na ng kadilimang bumabalot sa ating paligid. Anong nangyari at hinayaan nating maging ganito ang kultura ng bayan ngayon? Anong nangyari at tila ganitong salita at ganitong gawi na ang normal sa ating paligid ngayon?

Sinasalami­n ng ating mga pahayag at gawi ang dilim ng ating paligid. Ayon mismo sa Philippine Drug Enforcemen­t Agency (PDEA), umabot na ng mahigit 5,000 tao ang namatay dahil sa kampanya laban sa ilegal na droga mula 2016 hanggang 2018. Katumbas ito ng mga anim kada araw simula noong Hulyo 2016 hanggang Mayo 2018. Mas marami pa ito, kung tutuusin, kung idadagdag pa ang mahigit 22,900 na kaso ng kamatayang iniimbesti­gahan pa hanggang ngayon.

Kailangan pa ba magbilang ng bangkay para umunlad ang bayan? Kailangan ba natin magpatayan para magkaroon ng kapayapaan? Hanggang ilang bangkay ang tatanggapi­n ng ating lipunan bago natin mapagtanto na ang pagpatay ay hindi kailanman solusyon sa anumang problema?

Sakto sa ating sitwasyon ngayon ang mga pahayag sa Evangelium Vitae ukol sa kultura ng kamatayan: Hinahati tayo ng kultura ng kamatayan at hinihikaya­t nito ang mga tao na gumawa ng “shortcuts” para masolusyon­an ang mga panlipunan­g problema. Ngunit ang totoo, ang kultura ng kamatayan ay digmaan ng mga malalakas at mayayaman laban sa mga mahihirap.

Tingnan mo kapanalig. Ang dugong dumadanak sa ating paligid ay dugo ng maralita at ng mahihina. Siya ring dugo ang dumudungis sa ating mga kamay ngayon. Habang tahimik lamang tayo at nanood, tumutulong na rin tayo sa pagpatay sa kanila.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines