Balita

Tradisyuna­l na laro, ibinida sa IP Games

-

PUERTO Princesa, Palawan – Hindi bibitiwan ng Philippine Sports Commission (PSC) ang pagtataguy­od sa Indigenous Peoples Games.

Ayon kay PSC Commission­er Charles Raymond Maxey, lubhang napakahala­ga na mapanatili at mapalawak ang kaalaman ng mga Pilipino sa mga tradisyuna­l na sports ng mga katutubong Pinoy upang manatili itong buhay sa ating kultura.

“Etong mga IP Games, na ating pinanatili­ng buhay sa ating probinsya, ay isang napaka importante­ng proyekto ng PSC, sa pamumuno ni Chairman William “Butch” Ramirez,” pahayag ni Maxey.

Pormal na nagsimula ang IP Games dito nitong Biyernes sa Ramon V. Mitra Sports Complex.

Sa isang palabas, ipinakita ng iba’tibang tribu ang kanilang kalinangan, gayundin ang tradisyuna­l na sayaw na isinagawa ng Tao’t Bato Cultural Group.

Kabilang sa mga tradisyuna­l na laro na ibibida ng Palawan ang kadangkada­ng sa bao, kadang-kadang sa bamboo, takbo, at pagbayo sa palay.

Ikinasiya ni Maxey ang suportang ibinigay ng local na pamahalaan para masiguro ang tagumpya ng IP Games.

“Malaking bagay yun suporta ng mga LGUs, pati na mga mga tribal leaders. Bago pa man simulan, nagkaroon na kami ng mga meetings sa mga provincial government at mga tribal leaders para tiyakin ang maayos ma pagdaraos ng event,” aniya.

“Dito sa Palawan, ipakikita natin ang kanilang mga IP Games ng madaming tribo na patuloy na naniniraha­n dito.”

Kabilang sa nakiisa ang mga bayan ng Aborlan, Narra, Quezon, Brooke’s Point, Sofronio Española, Rizal, Balabac, Roxas, Taytay, El Nido, Busuan, Coron, Araceli, at Puerto Princesa City.

Itinataguy­od din ang IP Games ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP), National Commission for Culture and the Arts (NCCA), Department of Tourism (DOT), Commission on Higher Education (CHED), Department of Education (DepEd), Armed Forces of the Philippine­s (AFP), Philippine National Police (PNP), at local government units (LGUs).

 ??  ??
 ??  ?? NAGHIHINTA­Y ang mga miyembro ng tribo, habang inihahanda ang mga pana na gagamitin sa Indigenous Peoples Games sa Puerto Princesa, Palawan.
NAGHIHINTA­Y ang mga miyembro ng tribo, habang inihahanda ang mga pana na gagamitin sa Indigenous Peoples Games sa Puerto Princesa, Palawan.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines