Sundalo, utas sa BIFF
COTABATO CITY – Patay ang isang sundalo nang makasagupa ng tropa nito ang grupo ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) na naaktuhang gumagawa ng improvised explosive devices (IED) sa Liguasan Marsh sa hangganan ng Maguindanao at North Cotabato, kamakailan. “Sgt. Ahmad Mahmood succumbed to a bullet wound in the head sustained in an encounter with (BIFF fighters)” at Barangay Dasawao in Shariff Saidona Mustapha, Maguindanao, ayon sa pahayag ng 6h Infantry Division (6ID) ng Philippine Army (PA) . Si Mahmood ay miyembro ng grupo ng Scout Rangers na tumutugis sa grupo ng BIFF na isinasangkot nakaraang pambobomba sa Central Mindanao, kamakailan. Sinabi pa sa ulat, aksidenteng nasabugan ng IED ang nasabing sundalo kasabay na rinmilitary airstrikes ng tropa ng pamahalaan sa kalapit na Shariff Saidona Mustapha.