Balita

‘Tulak’ todas sa sagupaan

- Light Nolasco

NUEVA ECIJA – Isa ang nasawi habang apat ang naaresto sa anti-illegal drugs operations sa magkakahil­ay na lugar sa Nueva Ecija, kamakailan. Kinilala Col. Leon Victor Rosete, Nueva Ecija Police Provincial chief, ang napatay na si Jeffrey Sangabol, alyas “Jeff”, nasa hustong gulang, may-asawa, ng Brgy. Valenzuela, Sta. Rosa, Nueva Ecija. Lumaban aniya si Sangabol nang isailaim ito sa sa buy-bust operation sa Bgy. Cavite, Guimba, nitong Huwebes, dakong 10:30 ng gabi. Arestado naman ang apat pang umano drug pusher na sina Randall Salongcay, 34, at John Kenneth Flores, 26, binata, tricycle driver, kapwa taga-Bgy. Bantug Norte,Cabanatuan City; Ronald Pascual, binata, tricycle driver, at Rolando Alcaraz, 40, binata, ng Purok 1, Bgy. Vijandre, Cabanatuan City, sa Purok 5, Bgy. Imelda ng nasabing lungsod. Narekober sa mga suspek ang walong plastic sachet ng umano’y droga. Inihahanda na ang kaso laban mga suspek.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines