Balita

Gen 18:20-32 ● Slm 138 ● Col 2:12-14 ● Lc 11:1-13

-

Isang araw, nananalang­in si Jesus sa isang lugar at pagkatapos niya’y sinabi sa kanya ng isa sa kanyang mga alagad: “Panginoon, turuan mo kaming manalangin kung paanong tinuruan ni Juan ang kanyang mga alagad.” At sinabi ni Jesus sa kanila: “Kung mananalang­in kayo, sabihin n’yo: “Ama, sambahin ang ngalan mo, bigyan mo kami araw-araw ng pagkaing kailangang­kailangan namin, patawarin mo kami sa aming mga sala; tingnan mo’t pinatatawa­d din naming ang lahat ng may utang sa amin, at huwag mo kaming dalhin sa tukso.”

PAGSASADIW­A:

Maraming mga Pilipinong nagtatraba­ho sa ibang bansa ang mistulang naging “misyonero” rin sa pamamagita­n ng maganda nilang halimbawa ng pagiging madasalin at tapat sa kinagisnan­g pananampal­atayang Katoliko. Ipanalangi­n natin sila at mga mahal nila sa buhay na naiwan nila dito sa ating bayan. Umasa tayong iingatan sila lagi ng Diyos at pagpapalai­n ng mabubuting bagay sa lahat ng oras.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines