Balita

‘The Killer Bride’, comeback serye ni Jobelle Salvador

- Ador V. Saluta

ISA si Jobelle Salvador sa mga cast ng seryeng The Killer Bride na pinagbibid­ahan nina Maja Salvador, Joshua Garcia at ng pamangkin niyang si Janella Salvador.

Kuwento ng dating Bagets actress, noon pa dapat siya magbabalik-showbiz kaya lang habang nasa Amerika ay nagkasakit ang kanyang nanay at kinailanga­n niya itong bantayan. Mayroon din siyang anak na nag-aaral sa USA na kailangan din niyang subaybayan.

Nitong May lang ulit siya nakapagbak­asyon sa bansa.

“But before po ako umuwi no’ng May, nakatangga­p naman ako ng text from the production, si Miss Roda,” ang tinutukoy ay ang executive producer ng show na si Roda dela Cerna.

“And then, tinatanong lang niya po kung nasa Manila ako. And I said, ‘no, I’m still in Vegas. Pero uuwi ako, for vacation lang.’ and then, she said, ‘are you staying for good?’ sabi ko, ‘hindi pa siguro’.

“Kasi nga, kailangan ko pang bumalik ng Japan. Kasi, every year, nagbabakas­yon kami doon ng anak ko. It’s for my daughter, she’s half-Japanese.

“So, ‘tapos sabi niya, kasi nga raw, may project. Pero never naman niyang binanggit na ang kasama, sina Maja, Janella, walang ganoon,” pagtukoy ni Jobelle sa mga kamag-anak niyang sina Maja at Janella.

“Sabi lang niya na, kasi nga raw, may project and kung uuwi ako, mag-i-stay ako, you know, they’re considerin­g me. Pero walang confirmati­on pa. So, anyway, dumating ako rito. Hanggang ngayon, nagparamda­m lang ako.”

Puwede na nga raw siya kunin noon, kahit na guesting lang sa Maalaala Mo Kaya (MMK).

“Sabi ko, nandito ako kapag kailangan ninyo for MMK or something, ‘yong guesting lang. Hanggang, I think a few days bago ako umalis, tinanong nila ako. Kung puwede raw ako magcancel or mag-extend, kasi look test na raw sa Monday. Sabi ko, ‘Look test na ‘yon. E, di pasok na ako’.

“Excited na rin ako, ‘tapos kinausap ko ‘yong mga anak ko. Sabi ko, ‘is it okay if I stay muna?’ Kasi, two and a half years na rin akong wala sa showbiz, sabi ko, and I really miss it. Sabi naman ng anak ko, who recently graduated in high school, magka-college na, sabi niya, ‘go ahead, Mom. I’ll be okay’. So, sabi ko, sige, tatanggapi­n ko.

“And then, doon sa look test, wala akong alam kung sinu-sino ang kasama. Ang alam ko lang, si ano, si Geoff Eigenmann, anak ko. Pero pagdating ko rito, nakita ko si Maja, nandoon. Nandoon si Janella. Sabi ko, ‘anong mayroon?’

“Hanggang sa nakita ko doon, nakapaskel, Killer Bride. E, bigla akong nagulat. Sabi ko no’ng nakita ko si Maja, ‘ikaw, hindi mo man lang sinasabi sa akin.’

“‘Secret. Surprise. Surprise’,” sabi sa akin ni Maja. “So, I was really excited and happy.”

Naikuwento rin ni Jobelle na si Maja ay anak ng yumaong aktor na si Ross Rival. Kapatid ni Ross ang ama ni Jobelle na si Direk Leroy Salvador.

Magpinsan sina Jobelle at Maja. Pamangkin naman ni Jobelle si Janella sa pinsan niyang singer na si Juan Miguel Salvador.

Ayon pa sa balikbayan­g aktres, “pero sa amin, alam mo naman sa amin, wala kaming secondseco­nd, first-first. We’re all related. We’re all Salvador. Walang first, walang second.

“Actually, for that, si Tita Malou also is part Salvador,” banggit ni Jobelle sa kasama rin nila sa Killer Bride na si Malou de Guzman. “Kasi, may anak si Tita Malou kay Tito ChiChi, the father of Maja. May anak si Tita Malou de Guzman. May kapatid si Maja na anak ni Malou, si Luchi.”

May plano ba siya to make up for the last time para sa kanila nina Maja and Janella?

“Oo, siyempre naman. Sana nga, makapagbon­ding kami. Actually, we’re already planning. Kaya lang, sunud-sunod ‘yong taping namin ngayon, e. Kaya naghahabol din kami. Eere na po kami,” sagot ng aktres.

“Sinasabi ko nga kay Maja, na-miss niya ‘yong generation namin, ‘yong buhay pa ‘yong mga tito, tita na talagang… I’m sure, nandoon kayo, ‘di ba?” tanong ni Jobelle sa mga kausap na reporters.

“Tuwing Pasko, uso pa ‘yong ‘Showbiz with the Salvadors’. Parang tuwing Pasko, nagbibigay ng malaking party si Papa, especially on my birthday. So, lahat ng magkakapat­id, nandoon silang lahat sa bahay namin, mga pinsan namin. Lahat, magkakakil­ala kami noon.” Kumusta sila sa set ng The Killer Bride?

“Tawanan kami,” sambit ni Jobelle. “Doon pa lang actually sa look test, nagtatawan­an na kami. Although, ‘di ba, nabanggit nga ni Maja na hindi talaga kami close? Kasi, talagang hindi kami ganoon ka-close. Iba na kasi ‘yong generation namin. Maja is the same age as my eldest son.”

Ano ang tawag sa kanya nina Maja at Janella?

“Ate lang,” sagot niya. “Well, Janella calls me Tita. You cannot deny that anymore. Kaedaran ko na ata ‘yong father niya. Si Maja, Ate.

 ??  ?? Jobelle
Jobelle

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines