Balita

Marvel, maglulunsa­d ng isa pang Pinay superhero

- Ni PATRICK GARCIA

MATAPOS ang pagpapakil­ala kay ‘Wave’, ang Pinay superhero mula Cebu na kayang kumontrol sa tubig, isang pang Pinay superhero ang papasok sa Marvel Comics universe ngayong Setyembre.

Inanunsyo ni Greg Pak, isa sa mga lumikha kay ‘Wave’, sa kanyang Twitter account na nakipagtul­ungan siya sa award-winning writer na si

Alyssa Wong at sa artist na si Pop Mhan para ipakilala ang pinakabago­ng Filipino superhero. Sinasabing ang unang appearance ng bagong Pinay superhero ay sa issue #3 ng Aero.

Sa tweet ni Pak nitong Biyernes, “hot tip comics collectors: @crashwong, @ popmhan and I am introducin­g ANOTHER brand new Filipina superhero in AERO #3. And she is awesome. Do not miss this — preorder the book today with your local comic book shop!”

 ??  ?? Wave
Wave

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines