Balita

Aladdin, biggest hit ni Will Smith

-

NASA isang whole new world na nga ang

Aladdin, dahil lumampas na sa $1 bilyon ang kita nito sa worldwide box office, ayon sa ulat ng People.

Ang pelikula ng Disney ay nagsimulan­g ipalabas noong Mayo, at naitalang $343.1 milyon na ang kita ng Aladdin sa Amerika nitong Huwebes. Umabot naman sa $999.3 milyon ang kinita nito worldwide, iniulat ng The Hollywood Reporter.

Dahil sa pelikula, kasali na sina Direk Guy Ritchie at Will Smith sa $1 billion club, at naungusan nito ang iba pang pelikula ng huli gaya ng Men in Black at Sherlock Holmes. Unang beses din itong nakamit nina Mena Massoud at Naomi Scott, na gumanap bilang sina Aladdin at Princess Jasmine.

Kaagad namang nagpasalam­at si Mena, 27, sa kanyang fans via Instagram, “I know it’s

just numbers but it’s pretty cool. Throughout life, you get overlooked and underestim­ated a lot but if you just put the work in and put your head down and try to manifest what you want to see out there, good things can happen. I want to thank the fans that made it happen. Thank you guys without you it would never have been possible.”

Nauna ng nagpasalam­at si Will, 50, sa kanyang mga tagahanga sa dahil sa suporta ng mga ito dahilan para tanghalin ang Aladdin bilang ang pinakamala­king pelikula ng kanyang buong karera, “To be in this game as long as I’ve been in this game, and to have my biggest movie at this point in my career, I just want to say thank you.”

Ipinalalab­as pa rin sa mga sinehan ang Aladdin.

 ??  ?? ‘Aladdin’
‘Aladdin’

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines