Jennylyn-Coco movie, kasado na
MULING pumirma ng exclusive contract si Ultimate Star Jennylyn Mercado nitong Biyernes, July 26, sa harap ng mga top executives ng GMA Network.
Sinundan ng press conference ang contract signing, kung saan ipinahayag ng aktres ang pasasalamat sa network na mahigit isang dekada na niyang tahanan.
“Iba magmahal ang GMA. Parang pamilya, nararamdaman ko ‘yung pagmamahal at suporta nila,” ani Jennylyn.
“Sa loob ng 16 years na ‘yun, ang dami kong ups and downs, pero talagang nandiyan sila at hindi nila ako pinabayaan. Pakiramdam ko hindi ko masusuklian ‘yung pagmamahal at suporta nila sa akin.
“Hindi ko ma-explain, kakaiba ‘yung pakiramdam ‘pag nakikita mo sina Atty. Gozon, Ms. Lilybeth at Mr. Yalong. Parang magulang talaga. Iba ‘yung yakap. Parang na-miss ko ‘yung nanay at tatay ko, ganoon ‘yung pakiramdam ko, ‘yung pagmamahal nila, ibang klase ang warmth. Matagal ko na silang kasama at hanggang ngayon, hindi pa rin sila nagbabago,” pagbabahagi ni Jennylyn.
Matapos maging Ultimate Female survivor ng original reality artista search na StarStruck, Jennylyn have proven her versatility as an actress sa pagganap niya ng iba’t ibang roles, bida man o kontrabida. Sa ngayon, ginagampanan ni Jennylyn ang role ni Raffy sa hit romantic-comedy series ng GMA na Love You Two with Gabby Concepcion. Siya rin ang kasamang nagho-host ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes
sa ikapitong season ng StarStruck
na napapanood tuwing Sabado at
Linggo ng gabi.
Ipinahayag naman ni Atty. Felipe L. Gozon, GMA Chairman at Chief Executive Officer, ang appreciation nila sa loyalty ni Jennylyn sa GMA.
“We are are so proud that as the first winner in our ‘StarStruck’ program, you have reached the pinnacle of success in your craft as a Kapuso. Your passion and dedication are admirable, that is why you are now known as the Ultimate Female Survivor. We are grateful that you have chosen to remain a Kapuso.”
Bukod sa Love You Two romcom series, nagsimula na rin palang mag-shooting si Jennylyn, katambal ni Coco Martin para sa isang untitled action-comedy movie na hopefully ay makasama sa huling apat na pelikulang mapipili para sa gaganaping Metro Manila Film Festival (MMFF) sa December. Makakasama nila rito ang komedyanteng si Ai Ai delas Alas.