Balita

Maja, ‘graduate’ na sa pagiging ‘kabit’

-

INAMIN ng The Killer Bride lead actress na si Maja Salvador na ayaw na niyang tumangap ng project na may kinalaman sa kabitan o infidelity dahil graduate na siya sa mga ganoong karakter.

Ito ang napag-usapan pagkatapos ng mediacon ng bago niyang seryeng

The Killer Bride na mapapanood na sa Agosto 12 sa ABS-CBN, kapalit ng Sino ang Maysala: Mea Culpa.

Sabi ni Maja, “May gagawin po dapat ako na serye kaso parang ‘yong kuwento, infidelity na naman. So, agawan na naman. Parang natapos na ako doon.”

Ang tinutukoy ng aktres ay ang seryeng The Legal Wife (2014) na umani ng papuri sa netizens at talagang talk of the town noon dahil inilampaso ng serye ang katapat nitong programang Dalawang Mrs.

Real. Dito rin nagsimulan­g umingay ang pangalan ni Maja bilang kabit ni

Jericho Rosales na si Angel Locsin

ang legal wife.

At dahil pinag-usapan nang husto ang nasabing serye, ipinalabas din ito sa Vietnam, Kenya, Nigeria, Tanzania, Indonesia at Thailand.

Hanggang sa nagkaroon na ng sariling serye si Maja, ang Wildflower (2017) na umabot ng apat na season, naging talk of the town at dito na lumaki nang husto ang pangalan ng aktres. Matagal ding tinawag na Ivy Aguas si Maja, ang karakter niya sa

Wildflower.

“Parang feeling ko, hindi siya ‘yong show na susundan ng ‘Wildflower’. Parang sa laki ng ginawa ng ‘Wildflower’ sa career ko, parang kailangan ko ng something na ma-tsa-challenge ako,” paliwanag ng dalaga.

Kaya pala matagal nasundan ang

Wildflower dahil namili ng magandang kuwento si Maja, kaya rin inilagay

siya bilang hurado sa World of Dance kasama sina Billy Crawford at Gary Valenciano.

Sabi pa ng aktres, “Sabi ko sa mga past interviews ko na gusto ko laging tsina-challenge ‘yong sarili ko.

“So, noong in-offer sa akin itong ‘The Killer Bride’, parang ang hirap tumanggi, parang alam kong mas malalagpas­an niya ‘yong ‘Wildflower’ dahil sa ganda ng kuwento at sa mga magagaling kong kasama.”

“Kasi bakit po ba naging successful ang ‘Wildflower’? Hindi lang po dahil sa akin kung hindi dahil sa mga bigatin ko ring kasama.

“Noong nabuo na itong cast namin, mas lalong nagka-butterflie­s sa aking tiyan, ‘yong sobrang na-excite ako na ito na, buo na ‘yong cast namin, alam kong iba rin ang ibibigay nitong ‘The Killer Bride’, iba ‘yong mabibigay namin.”

Base sa ipinalabas na full trailer ng

The Killer Bride sa nakaraang mediacon ay talagang napapalakp­ak ang lahat sa ganda at husay ni Maja.

“Parang kung ang dami kong sigaw sa ‘Wildflower’, kung eight ‘yung ‘Wildflower’, kailangan 20 ‘yong pagka-intense dito.

“Kung napansin n’yo, mayroon akong post sa Instagram, ‘yong physically, emotionall­y, mentally tired, kay Camilla ‘yon. Kasi for two weeks na nagte-taping po ako, iba kasi ‘yong pinagdaana­n ng character, iba ‘yong theme, iba ‘yong galit.

“Hindi lang kita ngayon pero may isang scene na talagang nag-blood clot ‘yong mukha ko sa sobrang pain, sa sobrang galit,” kuwento ni Maja.

Samantala, may nagtanong kay Maja kung ano ang pagkakaiba ng The Killet Bride sa kuwento ng Hanggang Sa Dulo ng Buhay Ko sa GMA 7 na

hindi naman sila magkatapat.

“100 percent po ako na magkaiba! Bilang kaibigan ko si Rayver, (Cruz) nagtanong na ako. 100 percent po ako, magkaibang-magkaiba, so ‘yon,” natawang sagot ng aktres Sobrang powerful nga ng cast ng

The Killer Bride dahil isa ito sa dinaluhan naming mediacon, kung saan napuno ng cast ang entablado ng Dolphy Theater at hindi magkasya sa iisang frame sa camera.

Bukod kay Maja ay kasama sina Janella Salvador, Jobelle Salvador, Geoff Eigenmann, Dominic Ochoa, Alexa Ilacad, Lara Quigaman, Ariella Arida, Sam Concepcion, Pamu Morada, Neil Coleta, Loren Burgos, Eric Nicolas, Keanna Reeves, Eddie Gutierrez, Aurora Sevilla, Cris Villanueva, James Blanco, Miko Raval, Malou de Guzman, Viveika Ravanes, Pepe Herrera at Joshua Garcia. Ang The Killer Bride ay mula sa direksyon ni Dado Lumibao mula sa RCD Narratives sa bagong drama unit na pinamamaha­laan ni Ms. Roda C. Dela Cerna. Abangan ang The Killer Bride sa ABS-CBN at sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Para sa updates, sundan ang @ABSCBNPR sa Facebook, Instagram, at Twitter o bumisita sa abscbn.com/newsroom.

 ??  ??
 ??  ??
 ??  ?? Reggee Bonoan
Reggee Bonoan

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines