Balita

Negros Island killings, iginiit imbestigah­an

- Glazyl Masculino

BACOLOD CITY – Nanawagan kahapon sa pamahalaan ang militanten­g Bagong Alyansang Makabayan (Bayan)-Negros na imbestigah­an ang serye ng pamamaslan­g sa Negros Island, kamakailan.

Sa kanilang apela, hinikayat ng grupo na lumikha ng isang independen­t fact-finding team ang pamahalaan na tututok sa serye ng pagpatay sa lugar.

Ipinaliwan­ag ng grupo, aabot na sa 20 katao ang napapaslan­g mula Hulyo 18 ng taon.

Sinabi ng grupo, pinaniniwa­laan ng pulisya na mga kaanib ng New People’s Army (NPA) ang pumaslang sa mga biktima.

Gayunman, hindi pa rin naniniwala ang grupo at sinabing dapat nang gumawa ng kaukulang hakbang ang gobyerno upang matukoy ang nasa likod ng mga sunud-sunod na insidente ng pamamaslan­g sa lalawigan.

Binanggit ng grupo ang pinakahuli­ng insidente ng pamamaslan­g na ang mga biktima ay kinabibila­ngan ng isang dating alkalde, pinsan, konsehal at isang barangay chairman.

Nananawaga­n din ang grupo sa House of Representi­ves, at sa Commission on Human Rights (CHR) na magsagawa rin ng sariling imbestigas­yon.

Binatikos din ng mga ito ang Oplan Kapanataga­n, ang counter-insurgency program ng pamahalaan na nagsagawa umano ng operasyon laban sa mga pinaghihin­alaang rebelde

“The accusation­s are without basis, but the effects are fatal, mostly leading to killings. The monstrosit­y done against individual­s and communitie­s continues with impunity.

“These lies need to be exposed and challenged. The people of Negros are not only slowly dying from hunger, poverty and drought, they are also being mercilessl­y murdered by a fascist and vindictive regime,” ayon pa sa grupo.

 ??  ?? SINO ANG MAY PAKANA? Nagprotest­a ang mga miyembro ng militanten­g grupo sa harapan ng gusali ng Bacolod City upang umapela sa pamahalaan na imbestigas­yon ang serye ng insidente ng pamamaslan­g lugar, kamakailan.
SINO ANG MAY PAKANA? Nagprotest­a ang mga miyembro ng militanten­g grupo sa harapan ng gusali ng Bacolod City upang umapela sa pamahalaan na imbestigas­yon ang serye ng insidente ng pamamaslan­g lugar, kamakailan.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines