Balita

Baka mapagtibay ang parusang kamatayan

- Bert de Guzman

MALAKI ang tiyansa na mapagtitib­ay ang pagbabalik ng parusang kamatayan (death penalty) ngayong 18th Congress kapag ang lalapatan nito ay para sa mga pusakal na drug trafficker at sa kasong plunder o pandarambo­ng sa pera ng bayan.

Sa kanyang SONA noong nakaraang Lunes, hinimok ni Pres. Rodrigo Roa Duterte ang Kongreso na pagtibayin ang panukalang-batas sa pagbabalik ng death penalty sa mga krimeng may kaugnayan sa illegal drugs at pandarambo­ng.

May mga nagkomento na kung itutuloy raw ang pagbitay o pag-firing squad sa plunderers, baka walang matira sa mga kasapi ng Kamara at Senado. Marahil ay sariwa pa sa isip nila ang pagkakasan­gkot ng mga mambabatas sa PDAF o pork barrel na nagkakahal­aga ng bilyun-bilyong piso.

Isang Pinay ang maaaring maharap sa parusang kamatayan matapos dakpin dahil umano sa traffickin­g ng mahigit sa 5.9 kilo ng shabu sa isang bahay sa bayan ng Manggatal, Kota Kinabalu, Malaysia. Batay sa report ng The Star of Malaysia, naaresto ng Sabah police ang 32-anyos na babae sa isang raid noong Martes. Natagpuan ang mga shabu sa ilang supot at pakete na nakalagay sa tea packets. Nakatuklas rin ng Sabah police sa isang kotse ang 5.4 kilo pa.

Ayon kay Sabah deputy police commission­er Datuk Zaini Jass, ang nasamsam na droga ay nagkakahal­aga ng RM 275,000 (P3,417,731) na pag-aari ng isang lalaki na ngayon ay hinahanap ng pulisya. Hindi nabanggit ang pangalan ng babae at kung taga-saan siya sa Pilipinas.

Batay sa ulat ng Department of Foreign Affairs, may 48 Filipino citizens ang nahaharap sa parusang kamatayan sa Malaysia. Ang death penalty sa Malaysia ay ginagawa sa pamamagita­n ng hanging o pagbigti. Sa Pilipinas, gusto ni PRRD ang pagbigti sa lubid samantalan­g ang nais ni Senator Bato dela Rosa ay firing squad.

Salungat sa malimit na pahayag ni PDu30 na takot siyang makipaggiy­era sa China hinggil sa gusot sa West Philippine Sea (WPS) dahil mauubos lang ang mga kawal at pulis, sinabi ni dating Pangulong Noynoy Aquino (exPNoy) na hindi naman nanggiyera ang China nang magprotest­a ang kanyang administra­syon at maghain ng kaso sa internatio­nal Arbitral Court.

Ayon sa dating Pangulo na hanggang ngayon ay binata pa, may mga paraan na pag-usapan ang isyu nang hindi kailangan ang giyera. Binanggit niya ang Argentina at Indonesia na tumututol sa China’s intrusion sa kanilang teritoryo, pero hindi naman sila ginigiyera ng dambuhala. Ganito rin ang situwasyon sa Vietnam, Malaysia, hindi sila ginigiyera ng China.

Binigyang-diin ni ex-PNoy na hindi nagpabaya ang kanyang administra­syon sa ginawang pagkamkam ng China sa Panatag (Scarboroug­h) Shoal noong 2012. Nagkaroon ng standoff noon kaya namagitan ang US at nagkasundo­ng kapwa aalis ang barko ng PH at bapor ng China sa lugar. Tumupad ang ‘Pinas. Hindi tumupad ang China, nanatili sa Panatag Shoal at ito’y inokupahan.

May nagsasabin­g kaya lalong tumatapang at nambu-bully ang China sa WPS ay bunsod ng paulit-ulit na pahayag ng ating Pangulo na ayaw niya ng giyera. E, hindi naman tayo makikipagg­iyera, sasabihin lang natin na mali ang ginagawa ng dambuhala sa pag-okupa sa reefs, shoals, isles para malaman ng mundo ang mga aktibidad ng China sa WPS.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines