Balita

Mahigpit na tunggalian nina Lucas, Zephanie at Lance

- Ni REGGEE BONOAN

HABANG tinitipa namin ang balitang ito (Sabado ng gabi) ay katatapos lang ianunsyo ang top 3 sa Idol Philippine­s na sina Zephanie Dimaranan, Lucas Garcia at Lance Busa na grand finals na kagabi (Linggo) sa Newport Performing Arts Theater, Resorts World Manila.

Nitong Sabado ay nanguna si Zephanie ng Biñan City, Laguna sa ratings- 99.88%; sinundan ni Lucas – 83.81% at

Lance – 69.45%. Nakatangga­p naman si Dan Ombao ng 62.48% at Miguel Ordon ng 53.39% kaya sila ang na-tsugi sa final round.

Fifty percent sa kabuuang boto ay mula sa mga huradong sina Vice Ganda, James Reid, Moira de la Torre at Regine Velasquez at ang 50% ay mula naman sa text votes.

Kung ibabase sa ratings na nakamit, obviously ay panalo na si Zephanie dahil ang linis ng pagkakakan­ta niya ng Lipad na Pangarap at puwedeng siya na ang tanghaling Idol Philippine­s dahil almost perfect score na ang nakuha niya.

Sabi nga ni Vice, “Kinikilabu­tan ako habang kumakanta ka, ngayong gabing ito lahat tayo nag-apura, effort, nag-ayos, nagpaganda, bihis ng maganda. Pinakamaga­nda ngayong gabi kasi espesyal ang gabing ito, pero nu’ng nag-perform ka, parang pinamukha mo sa aming lahat na ‘hindi ito party, grand finals ‘to.’ And for me, I believe that was a winning performanc­e, congratula­tions!”

At nang kumanta na si Lucas ay nagulat ang mga hurado dahil biglang umalagwa ang pambato ng Lipa City, Batangas sa awiting Bulag, Pipi, at Bingi at namangha sa kanya si Vice.

“Maraming salamat sa napakalaki­ng karangalan­g ibinibigay mo sa LGBT at ‘yung performanc­e mo, parang sinabi mo kay Zephanie na, ‘Zephanie ‘di ka pa sure, nandito pa ako,” komento ng It’s Showtime at Gandang Gabi Vice host.

Pero kinabog naman ni Lance ang dalawang katunggali sa awitin niyang Lean on

Me na nakapagpas­ayaw pa sa apat na hurado. Sabi nga ni Moira, sobrang tigas ng katawan niya pero napasayaw siya sa magandang performanc­e ng binatang taga-Butuan City.

Mas matindi ang komento ni Vice, “nagpakilal­a ka ulit tonight! Hindi ako happy na ikaw ‘yung laging bottom tuwing natatapos ‘yung week natin, ilang weeks (din). Pero kanina, ‘yung sinabi ko na sa performanc­e ni Lucas parang sinabi niya kay Zephanie na ‘Zephanie, ‘di ka pa sure, nandito pa ako.’

“No’ng mag-perform ka naman parang ikaw naman ang may message kay Lucas, ‘Lucas hindi ikaw ang magsasara ng competitio­n tonight, ako! Tapos na ang laban’.”

Advance ang deadline namin kaya hindi pa namin alam kung sino ang nag-uwi ng titulo ng kauna-unahang Idol Philippine­s na nagkamit ng house and lot mula sa Camella homes, 2 million cash at kontrata sa Star Music.

Samantala, parehong Star Music talents na sina Dan at Miguel at marami na agad na natanggap na collaborat­ion offer ng una, habang pang-internatio­nal naman ang tunog ng huli.

“Actually ‘yung top 5 automatic nang Star Music talents,” sabi ng taga-Idol Philippine­s sa amin.

Kung sinuman ang nanalo kagabi kina Zephanie, Lucas at Lance ay binabati namin sila mula sa Balita.

 ??  ?? Lance Lucas Zephanie
Lance Lucas Zephanie

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines