Balita

Mariz Umali, mapapanood na sa ‘Unang Hirit’

- Ni NORA V. CALDERON

Isa sa mga mahuhusay na Kapuso broadcast journalist si Mariz

Umali at ngayon ay opisyal na siyang miyembro ng longestrun­ning morning show, ang Unang

Hirit, at kabilang na siya ng Unang Hirit Barkada.

Hindi itinago ni Mariz ang excitement niya nang malamang kasama na siya sa morning show.

“Noong una, hindi ako makapaniwa­la. Hindi ko rin talaga naisip na mapupunta ako rito kasi ‘yong mundo ko puro balita lang,” kuwento ni Mariz. “Pero noong sinabi sa akin ng mga boss na magiging part na ako ng Unang Hirit Barkada, I am very grateful kasi siyempre ang hosts and anchors ng UH ay matagal ko nang mga kaibigan – and this time, makakasama ko na sila sa isang programa kaya ang saya lang talaga.”

Seventeen years nang Kapuso si Mariz, joining GMA Network right after getting her BA Broadcast Communicat­ion degree sa University of the Philippine­s, Diliman. Nag-host at nag-anchor na siya ng mga GMA and GMA News TV shows and specials. Kamakailan lamang ay pinangalan­an siyang Best Female Field Reporter sa 2019

Gawad Tanglaw. Sa ilang taon na niyang pagiging broadcaste­r, ang pinakamemo­rable ay nang magcover siya ng Double Canonizati­on of St. John Paul II and St. John XXIII

sa Vatican.

Beterana na si Mariz sa hard news reporting, dahil siya ang humawak ng Malacañang at Philippine National Police beats noon.

Sa Unang Hirit, mapapanood ng mga Kapuso viewers ang kabilang side ni Mariz, na malayo sa kanyang pagiging serious reporter o anchor. Lalabas daw ang tunay niyang personalid­ad sa kabila ng seryoso niyang mukha kapag nagbabalit­a.

“Bungisngis kasi ako, tagatawa ako sa mga jokes ng mga tao – kahit corny tinatawana­n ko. Hindi rin alam ng mga tao na mahilig akong kumanta at sumayaw.”

Siyempre, kailangan pa rin mag-adjust ni Mariz sa bago niyang trabaho.

“Kailangan kong gumising before 4:00a.m para umabot sa oras ng pagsisimul­a ng programa. But I look forward to starting my days with the UH Barkada, and of course, our viewers at makapaghat­id ng balita sa kanila, umaga pa lang.”

Kung wala sa field si Mariz sa paghanap ng mga balita, she is actively serving the church at the Sacred Heart of Jesus Parish Shrine. Mahilig din siyang magscuba diving, manood ng pelikula, mag-travel, at kumanta kasama ang kanyang asawa at GMA cobroadcas­t journalist na si Raffy Tima.

Simula ngayong Lunes, July 29, mapapanood na si Mariz sa Unang Hirit kasama ng Barkada, mula Lunes hanggang Biyernes, 4:55a.m. sa GMA-7.

 ??  ?? Mariz
Mariz

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines