Balita

Ika-117 labas

- R.V. VILLANUEVA

BILANG simula ng kanyang pagbabago, binalikan ni Elsie ang pag-aahente ng kung anu-ano. Lahat ng may halagang bagay. Basta’t kumita ng kahit magkano, tinitipid na niya at pinagkakas­iya sa pang-arawaraw nilang kabuhayan ni Adora. Pero ang hindi niya tinitipid kalian man ay ang panggastos ni Adora.

Pero talaga yatang tinitikis siya ng tadhana. Kung kalian pa totohanan na talaga sa loob niyang ituwid ang lahat ng kanyang pagkakamal­i, saka pa nangyari ang ganoon.

Isang hapon iyon ng hindi

umalis ng bahay si Elsie. Araw iyon ng Martes at ipinasiya niyang mamahinga. Pati kasi araw ng nagdaang Sabado at Linggo ay naglibot siya a t naglako ng kanyang mga kalakal. Mas maganda kasing maglakad ng mga ganoong araw dahil nasa bahay ang mga nilalapita­n niyang nagtatraba­ho kung mga simpleng araw.

Dahil nasa bahay din lang naman siya, ipinasiya ni Elsie na magluto ng mamimiryen­da kung dumating ang pinakamaha­l na anak. Aba, hindi rin yata birong trabaho ang mag-aral.

Pasado alas singko ng hapon, nakaupo si Elsie sa isang silya sa may bukana ng kanyang inuupahan. Sabik siyang naghihinta­y sa pagdating ng kanyang mahal na anak.

Pagbaba pa lamang ng sinakyang traysikel, napansin na niya ang simangot na simangot na mukha ni Adora. Ganoon na lang ang gulat niya nang makitang nagliliyab ang mga mata nito nang makita siya. Galit ba sa kanya si Adora?

“Adora, anak…mabuting dumating ka na.”

Lalo pa yatang tumindi ang init na nagmumula sa mga mata ng kanyang anak.

“May niluto akong miryenda anak. Halika’t mainit pa.” Sadyang hindi niya pinansin ang itsura ni Adora. Wala naman siyang maisip na dapat ikagalit nito.

“Hindi ako gutom!” Ang bigat yata ng bagsak ng salita ni Adora.

“Teka, may problema ka ba, anak?”

Dumaan sa tapat niya si Adora. Hindi man lang siya nito nililingon. Tuloy-tuloy na pumasok sa pinto.

Tumayo siya. Sinundan ang anak. “May sakit ka ba, anak?’

“Wala akong sakit!” Ibinagsak ni Adora ang kanyang mga gamit.

“Kung wala kang sakit, ano ang problema mo?” Masuyo pa rin ang boses niya.

“’Yang problema, may’ron! Hindi na naitago ni Adora ang galit.

Bumuntong hininga si Elsie. Heto na naman po kami. Ronie naman! Ano bang kasalanann ang nagawa ko sa anak mo?

“E, ano naman ang problema mo, anak?”

Tumingin sa kanya si Adora. Diretso sa kanyang mukha. A, ang talipandas niyang anak na ire, kaylakas talaga ng loob na makipagtit­igan sa kanya ng mata sa mata. Kundanga’y pinamihasa niya.

“Gusto n’yo talagang malaman kung ano ang problema ko?”

“Ano nga ‘yon, anak?” “Kayo!” Tandisan at marahas ang boses ni Adora.

“A-ako, a-anak?”

“Oo! Kayo!”

“A-ano naman ang…k-kasalanan ko?”

“Bakit hindi ninyo itanong sa inyong sarili? Tiyak, alam ninyo ang sagot.”

Hindi kumibo si Elsie. O talagang hindi siya makakibo. Totoo, nasanay na yata siya sa pambabasto­s ng anak. Pero iba yata ngayon. Parang isang criminal na talagang huling-huli sa aksiyon sa paggawa ng krimen ang tingin ni Adora sa kanyang ina.

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines