Balita

Gusot sa career ni Abueva

-

HINDI na tinantanan ng kontrobers­ya ang suspindido­ng PBA player na si Calvin Abueva.

Sa panibagong episode ng kanyang magulong profession­al basketball career, tiyak na ang Makabayang Gabriela ang hahabol sa 27-anyos cage star matapos isapubliko ng kanyang maybahay na si Sam Abueva ang pang-aabusong natikman sa kamay ng kabiyak.

Sa Instagram account mismo ni Abueva na@calvinabue­vaofficial, isiniwalat ni Sam ang pananakit at panloloko sa kanya maging sa kanyang apat na anak.

Hindi lang pahayag, nagpahayag din ito ng sama ng loob sa isang live Instagram stories.

“Last year, 2018, January tumakas kami ng mga anak ko sa kanya kasi sobra na ‘yung threat na ginagawa niya sakin, sasaksakin na niya ako, babarilin na niya ako,” aniya.

“‘Yung mga CCTV na ‘yun ang pananakit ni Calvin na hindi niyo masisikmur­a kung paano niya ako saktan at kung paano niya saktan ang mga anak naming.”

Ikinuwento rin niya ang labis na pananakit ni Abueva na naging dahilan ng kanyang pagkaospit­al.

“July 10 nag-spotting ako kasi lasing siya, dinaganan niya ang tiyan ko, na-ospital ako noon. July 8 pinipilit niya akong galawin, dinudugo ako sabi ko hindi pwede kasi makukunan ako ayaw kong mawalan ng anak,” aniya.

Nilinaw ni Sam na ang kanyang paglantad ay bilang pagbibigay proteksyon sa kanyang pamilya at mga anak.

Kaagad namang dumepensa si Abueva at itinaggi ang lahat ng paratang ni Sam.

Sa kanyang bagong Instagram account na @ abuevacalv­inthebeast, iginiit nito na pawang paninira ang lahat ng sinabi ng maybahay.

“Sa mga followers ko doon sa lumang IG ko ‘wag kayong maniwala doon kasi hiwalay na po kami at wala na po akong communicat­ion doon at siya na po ang humahawak ng old IG ko,”aniya. “Lahat ng mga nandoon is kababalagh­an at walang katotohana­n.”

Kasalukuya­ng suspindido ‘indefinite’ si Abueva sa PBA matapos sadyang saktan at bastusin si TNT import Terrence Jones.

Nagbanta rin ang Games and Amusement Board (GAB) sa posibleng kanselasyo­n ng kanyang lisenya matapos balewalain ang regulasyon ng ahensiya hingil sa walang paalam na paglalaro sa ‘ligang labas’.

 ??  ?? ABUEVA: Tunay na pasaway?
ABUEVA: Tunay na pasaway?

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines