Balita

Beermen, angat sa Painters

- Marivic Awitan

Laro Ngayon (MOA Arena)

7:00 n,g. -- San Miguel vs Rain or Shine

MAKALAPIT sa inaasam nilang ikalawang sunod na Finals appearance ang tatangkain ng San Miguel sa muli nilang pagtutuos ng Rain Shine ngayong gabi sa Game 2 ng kanilang best-of-five semifinal series sa 2019 PBA Commission­ers Cup.

Magsisimul­a ang salpukan ganap na 7:00 ng gabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Matapos ang naitalang 111-105 na panalo nitong Sabado sa series opener, muling pinapabora­n ang Beermen sa pagpapatul­oy ng duwelo nila ng Elasto Painters.

Isa sa dahilan kung bakit ang San Miguel ang muling napipisil na manaig ang katotohana­ng nakuha nilang ipanalo ang Game 1 kahit hindi pa nagpakita ng tinatawag na A-game si Junemar Fajardo.

Tumapos si Fajardo na may 9 na puntos at di kapani-paniwalang isang rebound para sa league top rebounder na may average na 11.8 rebounds kada laro at kamakailan lamang ay nagtala ng kanyang career-milestone na kabuuang 4,000 boards.

Mismong mga kakampi niya ay tiwalang mas maganda at higit na malaki ang kanilang tsansa kung mailalabas ng reigning league 5-time MVP ang laro nito.

“Si Junemar hindi pa ganun kainit yun. What more kung talagang nakukuha pa nya yung average nya,” wika ni Arwind Santos.

“Nanalo kami kahit hindi ganun kaganda ang laro ni Junemar, what more kung nandyan.pa yung tunay na laro niya.”

Gayunman, naniniwala si Santos na marami pa silang dapat itama at ayusin sa kanilang laro.

At hindi rin nila isinaisant­abi ang tiyak na pagbawi ng Rain or Shine.

“Sigurado hindi papayag ang Rain or Shine na ganun-ganun na lang. Babawi at babawi yan,” sambit ni Santos.

 ??  ?? NALIMITAHA­N si Junemar Fajardo,ngunit nangibabaw ang husay ni import Chris McCullough na kumana ng 32 puntos at 14 rebounds para sandigan ang San Miguel Beer sa 111-105 panalo kontra Rain or Shine sa Game 1 ng kanilang best-of-five semifinal series sa PBA Commission­er’s Cup sa Smart-Araneta Coliseum.
NALIMITAHA­N si Junemar Fajardo,ngunit nangibabaw ang husay ni import Chris McCullough na kumana ng 32 puntos at 14 rebounds para sandigan ang San Miguel Beer sa 111-105 panalo kontra Rain or Shine sa Game 1 ng kanilang best-of-five semifinal series sa PBA Commission­er’s Cup sa Smart-Araneta Coliseum.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines