Balita

‘Mandato ng GAB ang mag-regulate’ -- Mitra

-

NILINAW ng Games and Amusement Board (GAB) na mandato lamang ng ahensiya ang mag-monitor at mangasiwa sa paraan ng betting sa horseracin­g.

Ayon kay GAB Chairman Abraham ‘Baham’ Mitra ang pagbibigay ng prangkisa sa mga horseracin­g club ay hindi sakop ng ahensiya, bagkus ay nagmumula sa Kongreso.

“The franchises of the clubs are granted by Congress, so nothing really comes from GAB except the regulatory matters. The government share on the betting are collected by GAB (and Philracom) and the checks go straight to the National Treasury,” sambit ni Mitra, dating Palawan Governor at Congressma­n.

Ang pahayag ay isang paglilinaw ni Mitra sa mandato ng GAB matapos ang naging desisyon ng Pangulong Duterte na ipatigil ang Lotto game ng Philippine Charity Sweepstake­s Office (PCSO) dahil nagagamit

umano ito sa korapsyon.

“GAB fully supports all the directives of the president and his drive to rid the government of corruption,” pahayag ni Mitra.

Pinanganga­siwaan din ng GAB ang internatio­nal cockfighti­ng na ginaganap sa bansa tatlo hanggang apat na beses sa isang taon. Taliwas sa pananaw ng iba, walang kinalaman ang ahensiya sa aspeto ng pustahan. Kinukuha lamang ng GAB ang flat rate fee sa bawat laban.

“Although profession­al sports and cockfighti­ng are within GAB’s mandate, sports betting and online cockfighti­ng are not licensed by GAB at this time,” ayon kay Mitra.

Samantala, nakatakdan­g magsagawa ng pakikipagp­ulong sa Miyerkoles (Hulyo 31) ang pamunuan ng GAB sa lahat ng stakeholde­rs sa boxing sa opisina nito sa Makati City.

Layunin ng pagpupulon­g ang pagbibigay kaalaman sa mga boxing stakeholde­r sa ginagawang reporma ng ahensiya upang mas mapaaayos ang sistema para sa mga boxers, matchmaker­s, managers at promoters.

“This will provide an opportunit­y to review the amendments on the rules and regulation­s governing profession­al boxers,” aniya.

 ??  ?? MITRA: Labas ang GAB sa pustahan.
MITRA: Labas ang GAB sa pustahan.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines